NOONG MARTES, January 15, 2013, isinagawa ang muling pagbibigay-parangal ng Wanted Sa Radyo sa mga listener ng programa na nag-surrender ng mga mahahalagang bagay sa WSR na kanilang napulot upang maisoli sa mga may-ari nito.
Ito ay ginanap sa loob ng Radyo5 studio sa TV5 sa Novaliches, Quezon City, 2 p.m., na napakinggan at napanood ng live sa 92.3 NewsFM at AksyonTV Channel 41.
Ang mga nabigyan ng parangal ay kinabibilangan ng labing tatlong taxi drivers at isang security guard. Sila ang 4th batch sa mga binigyan ng medalyang Gawad Katapatan ng WSR.
Ang mga tapat na taxi driver at security guard ay kinabibilangan nina: Marben S. De Veyra ng PJSC Trans (UVU158), Roberto F. Cana ng City Star Cruize Taxi (TWZ540), Jose Randy C. Laurente ng Balones Taxi (TXP900), Eutemio S. Lomod ng GMAT Taxi (UVM839), Arsenio C. Limbo ng Golden Boy Taxi (TXA154), Dante A. Bueta ng Malou Sabine Taxi (UWA370), Alberto G. Añonuevo ng Angel Mars Taxi (TYP292), Dennis C. Ballero ng Lehtdon Taxi (PXS810), Eddie L. Duhaylungsod ng Lucky Star Taxi (UVH920), Rino D. Destura ng AA Galang Taxi (THJ836), Nilo G. Solar ng CLMG Taxi (TXG578), Narciso A. Guiang ng Davis Taxi (UVE501), Armando B. Caniel ng Sir Leo Taxi (UWA471) at Larry V. Almendras, OIC ng Security of Goodwill Homes I.
Ang kanilang mga isinoli ay kinabibilangan ng iPhone 4, Samsung SIII, Samsung Galaxy W, Samsung Corby, dalawang Blackberry Curve, Blackberry Bold, Motorola touch screen, Nokia 2600 at Nokia 1661. Kasama rin sa mga nai-turn-over ay isang bag na naglalaman ng Laptop computer, connector, digital camera at Lenovo hardisk at SmartBro. Isang bag na may lamang P4,300 at wallet na naglalaman ng P4,140 ang kasama pa rin sa mga isinoli. Kabilang din dito ang isang Golla bag na may lamang SLR camera, digital camera at iPod shuffle.
Ang lahat ng mga nabanggit na gamit at pera ay naibalik sa mga may-ari nito na personal nilang tinubos sa Radyo5 studio maliban sa Golla bag, Motorola touch screen, Blackberry Bold at Samsung Galaxy W. Ang mga ito ay ibinalik din namin sa mismong mga taxi driver na nag-surrender nito, at bahala na sila kung ano ang balak nilang gawin dito.
Bagama’t ginagawa namin ang lahat para matukoy ang mga may-ari ng mga gamit na isinurender sa WSR, may ilang mga pagkakataon din na ang mga isinoso-ling cellphone ay may mga password at ‘di puwedeng mai-unlock kung kaya minarapat na lang namin na ang mga ito ay i-return to finder. Ito ay matapos muna na-ming araw-araw na ianunsyo sa loob ng isang buwan sa WSR ang tungkol sa mga cellphone na ito.
Ang pagkapulot sa Golla bag ay tatlong buwan din naming paulit-ulit na inanunsyo at matapos na walang mag-claim, ibinalik namin ito sa nakapulot na taxi driver.
Bukod sa natanggap nilang medalya, Certificate of Recognition at ilang mga produkto mula sa ATC Healthcare Corporation, Pagoda Philippines at Federal Tires na mga product sponsor ng WSR, ang labing apat na taxi drivers at security guard ay nakatanggap din ng tig-P500 cash mula sa CEO at President ng TV5 at Radyo5 na si Atty. Ray C. Espinosa bilang pagkilala sa kanilang katapatan.
ANG WANTED Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3FM, Radyo5 at napanonood sa AksyonTV channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m.
Shooting Range
Raffy Tulfo