Noong Biyernes, July 1, 2016, muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga kababayan na nagsauli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 42nd Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.
Ang matatapat na Pilipinong pinarangalan ay sina: (1) Mario C. Mijares ng MKBM Taxi, nagsauli ng wallet na naglalaman ng P16,440.00 at SG$792.00. (2) Blas B. Juanitez ng Flor Imagine Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P19,640.00. (3) Alexander A. Pecundo ng Elpa Taxi, nagbalik ng wallet na may P10,370.00 at 54 Chinese Yuan. (4) Jonathan G. Claus, isang security guard at tricycle driver, nagsauli ng wallet na may P4,000.00. (5) Vergil G. Lucero ng Rangen Taxi, nagsauli ng iPhone 6s. (6) Alfonso A. Jamin ng Isomar Taxi, nagbalik ng backpack na may HP laptop, PSP, Sony cellphone atbp. (7) Regino L. Parenzo ng Nine Star Taxi, nagsauli ng bag na may lamang Samsung laptop. (8) Ronald C. Olaes, isang Uber Car driver, nagsauli ng Lenovo laptop (9) Victor A. Untalan ng Claspa Taxi, nagbalik ng Dell laptop. At si (10) Leopoldo C. Mesia, Jr. ng Zoe Marie Transport, nagsauli ng backpack na may Acer laptop.
Shooting Range
Raffy Tulfo