Noong Biyernes, July 29, 2016 ay muling kinilala ng programang Wanted Sa Radyo ang sampung matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Ginanap ang awarding ceremony ng Gawad Katapatan Batch 43 sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance Street corner Sheridan Street, Mandaluyong City.
Ang mga matatapat nating kababayan ay sina: (1) Norman A. Remojo ng Metro Express Taxi, nagsoli ng wallet na may P7,000.00 at 8,500 Kenyan Shillings. (2) Ernesto R. Frutas ng Pakat Taxi, nagsoli ng wallet na may P9,745.00. (3) Roland G. Cortes, isang OFW, nagsoli ng coin purse na may lamang P9,038.25. (4) Moses S. Maalihan ng R&E Taxi, nagsoli ng wallet na may P8,770.00. (5) Francis O. Salao ng Polanne Taxi, nagsoli ng wallet na may P6,390.00. (6) Angel E. Dela Soledad ng Munich Taxi, nagsoli ng wallet na may P5,900.00. (7) Bryan B. Tumaob ng Rizalian Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,500.00. (8) Raymundo M. Reyes ng 768 Taxi, nagsoli ng backpack na may Sony Vaio laptop, G-shock wristwatch, wallet w/ US $2.00, SG $10.00, 5.00 Turkish Lira, 20.00 Israel Shekel at 20.00 Brazillian Real (9) Benjamin G. Escorpizo ng Envirocab Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng Sony Vaio laptop, 210 Thailand Baht, atbp. At (10) Abraham E. Luzano ng Donna Taxi, nagsoli ng Dell laptop.
Shooting Range
Raffy Tulfo