Noong Miyerkules, August 31, 2016 muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating kababayan na nagsauli ng pera at mahahalagang bagay na kanilang natagpuan. Ginanap ang awarding ceremony ng Batch 44 ng Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance St. corner Sheridan St., Mandaluyong City.
Ang mga matatapat na nagsauli ay sina: (1) Arvin E. Camarines, (2) Juan O. Nolasco at (3) Jonathan C. Tungol, MMDA traffic enforcers na nagsauli ng belt bag na may lamang P63,740.00, SG$25.00, atbp.; (4) Freddie M. Nonles ng Idago Transport, nagsauli ng sling bag na may lamang US$600.00, 1,500.00 Riyals, 130.00 Egyptian pounds, atbp.; (5) Daniel P. Bobis ng Queen Haze Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P25,360.00; (6) Orlando T. Barazon, isang VIP driver, nagsauli ng wallet na naglalaman ng P11,000.00; (7) Ruen R. Tarantan ng City Star Cruise Taxi, nagsauli ng wallet na may P10,000.00; (8) Romeo N. Domingo ng Star Cab Taxi, nagsauli ng wallet na may P7,191.00. (9) Jose Paulo R. Oda, isang bank employee, nagsauli ng wallet na may P5,440.00 at US$4.00; at (10) Joel T. Bantillan ng RMQ Taxi, nagsauli ng bag na may Acer Laptop at Lenovo cellphone.
Shooting Range
Raffy Tulfo