NOONG MIYERKULES, February 20, 2013, isinagawa sa ika-limang pagkakataon ang Gawad Katapatan award na ipinagkaloob sa sampung tapat na taxi drivers sa programang Wanted Sa Radyo sa studio ng Radyo5, TV5 compound, Novaliches, Quezon City.
Ang sampung maipagmamalaking mga tapat na taxi driver ng bayan dahil sa kanilang pagsoli ng mga mahalagang bagay na naiwan ng pasahero sa kanilang taxi ay sina: (1) Fernando P. Fuentes ng 24/7 Taxi – nagsoli ng Ipad Apple Tablet, (2) Rodrigo B. Rojo, Sr. ng MMMJ Taxi – nagsoli ng iPhone 4 at Samsung Omnia Pro GTB7610, (3) Vicente F. Magbanua ng RLSMA Taxi – nagsoli ng Samsung Galaxy Tab, (4) Marcelo Y. Eustaquio ng UVN Kapuso Taxi – nagsoli ng LG-E400 Touchscreen, (5) Mamerto S. Sinoy, Jr. ng TEX Taxi – nagsoli ng Samsung Corby, (6) Fermo S. Cortez ng Oct. 15, 2004 Taxi – nagsoli ng Samsung S5230 Star, (7) Emelio V. Bonifacio ng Jaclyns Taxi – nagsoli ng Nokia N73, (8) Leonilo C. Abapo ng Marjane Taxi – nagsoli ng Nokia Express Music, (9) Joel P. Bucayong ng St. Sealtiel Taxi – nagsoli ng Nokia 6210 at wallet na naglalaman ng P60 cash, ATM card at driver’s license at (10) Luisito L. Beato, Jr. ng Rudolph Taxi – nagsoli ng wallet na may lamang P1,100 cash, driver’s license at mga ATM cards.
Ang mga naisoling mahalagang bagay ay naibalik sa mga may-ari nito sa pamamagitan ng programang Wanted Sa Radyo.
Ang bawat isa sa nabanggit na sampung tapat na taxi drivers ay nakatanggap ng medalya, certificate of honesty, P500 cash, at gift packs mula sa ATC Healthcare Corporation, Pagoda Philippines, Federal Tires at Glamlab bilang pabuya.
Ang P500 cash na isa sa mga pabuyang ipinamigay sa bawat taxi driver ay nagmula sa bulsa ng presidente ng TV5 at Radyo5 na si Atty. Ray Espinosa.
ANG INYONG lingkod ay mapakikinggan sa programang Wanted Sa Radyo sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito ay kasabay na mapanonood sa Aksyon TV channel 41.
Ang T3 Reload naman ay mapanonood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm.
Makibalita sa buong linggong kaganapan sa ating bansa sa Aksyon Weekend news tuwing Sabado sa TV5, 6:30-7:00pm.
Para sa inyong mga sumbong o reklamo, magsadya sa aming Action Center na matatagpuan sa 163E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City o magtext sa 0908-87TULFO, 0917-7WANTED, 0918-983T3T3 at 0949-4616064.
Shooting Range
Raffy Tulfo