Gay Comedian’s Practical Joke Is Just Gross!

BLIND ITEM: HAHAHAHA! Ayan, natawa na agad kami, hindi pa kami nakakapagkuwento niyan, ha?

Eh, pa’no naman kasi, pag naaalala namin ‘yung kagagahan ng komedyante ‘pag pinagtitripan niya ang mga kasamahan sa taping.

‘Pag nakapalda siya sa eksena at siyempre, naka-shorts siya. Tatalon siya at biglang nasa-shock na lang ang mga kasamahan, dahil parang may “rambutan” silang nakitang naka-hello! kapag nakalutang sa hangin ang laylayan ng palda niya.

“Rambutan”? Ano ‘yon?

“Put–ina mo, hayup ka! Ang itim ng bay-g mo! Hahaha! Ang bastos mo!”

Bay-g pala ‘yon ng bakla, ang akala nila, rambutan!

Ang bading na ito ay meron pang isang trip. Kunwari, tititigan niya ang mukha ng mga kasama sa set at sasabihin niya, “May dumi ka sa ilong,” sabay kalabit niya sa ilong ng kausap.

‘Pag nababad na sa kakakalabit ‘yung daliri ng bading, napapansin ng kausap, “Ba’t parang ang baho ng kamay mo?!”

Tawanan na naman ang nasa paligid, dahil ang bakla, idinutdot na naman sa tumbong niya ang daliri niya!

Hahahaha!

Ang baboy ng blind item namin, sori po, sori po. Hindi na po mauulit, sori po, sori po.

PINANOOD NAMIN SA YouTube ‘yung episode ng Willing Willie kung saan “nag-macho dancing” ang isang six-year old kid sa isang kontes doon bilang talent nito.

Binabato na naman ng batikos si Willie. Maging sina Kat de Castro, Lea Salonga at Tintin Bersola na pawang mga ina ay nabagbag sa napanood.

Kaya ang twitter nu’ng time na ‘yon ay bugbog sa mga komento at pananaw, lalo na ng mga inang kahit hindi nila kaanu-ano si Jan-Jan ay ramdam ang malasakit sa bata.

Kinokondena nila ang ginawa ni Willie sa pang-aabuso sa kainosentihan ng bata.

Kung kilala namin si Willie, noon pa naman ganyan si Willie. ‘Pag meron siyang nakikitang talent at alam niyang ikasisiya ng audience, binibigyan niya ng mahabang oras sa kanyang show.

Dito rin siya nakaka-discover ng mga talent, sa pagbibigay niya ng “break” kahit sa episode lang na ‘yon.

Siguro, ang nakalimutan ni Willie, anim na taon lang ‘yung bata. Nakalimutan din niyang “awatin” ang “kaligayahang” nararamdaman niya habang parang umiiyak na sa kaiindak ang bata.

Siguro, kaya nag-react na rin ang mga nanay, eh dahil inulit nang ilambeses ni Willie ang pagma-macho dancing ng bata at paulit-ulit ni Willie sa pagsasabing bata pa lang, nagtatrabaho na bilang macho dancer.

Kung kilala namin si Willie, wala siyang intensiyong saktan ang damdamin ng mga nagmamalasakit na ina. Nagkataon lang na nakalimutan din ni Willie na siya’y isang magulang at isa na ring lolo.

At nag-concentrate lang si Willie sa mga natutuwang live audience, hindi niya na-consider na marami ring nanonood sa kani-kanilang tahanan na hindi naman ganoon din ang reaksiyon.

Siguro nga, next time, maging extra sensitive si Willie, lalo na sa mga bata para “friendly and caring” pa rin ang purpose ng Willing-Willie.

Anyway, humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng TV5 at hindi na raw ‘yon mauulit, kaya patawarin na natin and let’s all move on.

‘Pag naulit muli, ibang usapan na ‘yon.

CONGRATS SA MUTYA, dahil panalo pa rin sa NTS Survey nu’ng Monday kasabay ng pagsisimula ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez.

Humamig ng 34.8 ang mutya samantalang 22.8 lamang ang nakuha ng pilot episode ng Captain Barbell.

Pero hindi para magyabang kami o magmalaki porke kasama kami sa Mutya, ah? Sabi nga namin, weather-weather lang ‘yan.

At the end of the day naman, ang mga televiewers pa rin ang nakikinabang kumbakit nagpapakamatay ang dalawang istasyon para lang makapag-produce ng magandang palabas.

‘Wag n’yong kalimutang bisitahin ang aming blogsite sa www.ogiediaz.blogspot.com at kilalanin si “Batang Haggard” at puwede n’yo rin kaming sundan sa twitter @ogiediaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMaria Aragon, Proud Pinoy!
Next articleSunshine Cruz, Ignores Bangs Garcia!

No posts to display