ISANG SENSITIBONG posisyon sa creative team ng isang bagong weekly show ang iniatang sa balikat ng isang not-so-popular gay comedian. With the challenge that comes with his position ay ang pangangailangan niyang patunayang he isn’t a jinx, after all.
Kuwento ng isang reporter-friend na nakatrabaho niya sa isang TV network, “Ha, si (pangalan ng gay comedian) siya ba ang (posisyon nito) ng bagong show?! Naku, ha? ‘Yung pinanggalingan niyang show sa isang istasyon na pagkatagal-tagal nang umeere, natsugi nu’ng isinama siya, ‘no! Huwag sanang malasin ang show na hawak niya ngayon!”
Sasalungatin namin ang opinyon ng aming kaibigan, hindi naman kasi umaarte kundi nag-iisip ng magaganda’t maiintrigang konsepto ang taong tinutukoy niya na itago na lang natin sa alyas na Lapel Paru-paro.
By Ronnie Carrasco