SA PELIKULANG Ikaw Pa Lang Ang Minahal taong 1997 huling nagsama sina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Hindi pa sila mag-asawa noon.
Now, after 22 long years, muling nagkasama ang dalawa sa pelikulang Ang Sikreto Ng Piso directed by Perry Escaño.
Para kay Gelli, weird ang pakiramdam na muling makatrabaho ang asawa sa pelikula.
Pag-amin ng aktres, “It felt weird to work with him again. I am happy to work with Ariel. I welcome the opportunity to play as couple with him in reel. As an actor, Ariel has matured a lot. I am proud of him!
“I have seen all his dramas but it is still different kapag up-close ko siyang pinapanood when he acts. Our exchanges of dialogues went smoothly during the shooting since kilala namin ang isa’t isa.”
21 years ng kasal sina Ariel at Gelli. Sa tagal na rin bilang couple ay never pang napabalitang nagkaroon sila ng problema bilang mag-asawa.
Ibinahagi rin niya ang sikreto ng matatagal nilang relasyon ni Ariel.
“I think generosity is the key. Not just generous of yourself or of any kind. May mga bagay na ayaw mo sanang gawin pero alam mong ikasisiya ng asawa mo, di gawin mo na lang kung hindi mo naman ikamamatay at wala namang masasaktan, why not give it? Pag nagbibigay ka, natututo kang mag-adjust. You become selfless.
“Hindi naman selfless na lose yourself. Importante rin naman na you don’t lose your identity, pero palaging alam mo kung sino ka o ano ka, iyon ang importante,” pahayag ni Gelli.
Katwiran naman ni Ariel, “It’s give and take. It’s communication. The appreciation for your wife. It sounds corny pero it’s really ano…huwag mong isipin ang sarili mo, ang isipin mo kung ano ang makabubuti sa kanya, just being unselfish. I think that is the most important.”
Showing na Ang Sikreto ng Piso ngayong Jan. 30.
La Boka
by Leo Bukas