Marami raw natututunan si Gelli De Belen sa kanyang bagong show sa TV5 na public affairs/infotainment program na Solved na Solved na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:30 ng umaga kaugnay sa legal matters na naisi-share niya sa kanyang mga kaibigan.
At kahit nga raw 30 minuto lang ang kanilang show ay liglig at siksik naman ito sa kaalaman pagdating sa karapatan ng bawat Pilipino kaugnay sa batas na matutunan ng mga manonood ng kanilang show. Kasama ni Gelli sa Solved na Solved sina Arnell Ignacio at Atty. Mel Sta. Maria.
Sa Solved na Solved, bilang advice center ng bayan ay kanilang sinosolb ang pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking problemang inilalapit sa kanila. At dito rin sa kanilang show ay puwedeng magtanong ang mga manonood kaugnay sa legal matters na agad namang tutugunan ni Atty. Mel Sta. Maria.
MTRCB, nag-conduct ng ‘Matalinong Panonood’ sa Ateneo Law School!
SA PAGPASOK ng 2015 ay continuous pa rin ang pagko-conduct ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng isang ‘Matalinong Panonood’. At Last Thursday, January 29, ay nagtungo ang pamunuan ng MTRCB sa Ateneo Law School for their Alternative Class Program at the Ateneo Rockwell, Makati City.
Bukod dito, muli pa ring lilibutin ng pamunuan ng MTRCB ang buong Pilipinas para ipaalam ang ‘Matalinong Panonood’.
John’s Point
by John Fontanilla