KAHIT NASA GMA -7 na si Geoff Eigenman ay nakatatak pa rin sa isipan niya ang mga teleseryeng kanyang ginawa sa Kapamilya network. Hindi niya malilimutan ang Lobo kung saan kinilala ang husay niya as an actor. Hindi nga lang nagtuluy-tuloy ang projects niya sa Dos, naudlot ang first team-up nila ni Maja Salvador. Kailangang kumayod ang binata to support the family kaya napilitan itong mag-ober da bakod. May bagong soap na ginawa ngayon ang guwapong actor with Carla Abellana.
“Gusto ko rin gumawa ng action kung kailangan, playing super heroes –anything! I want to do so many things ‘yung iba’t ibang role. Gusto ko ‘yung natsa-challenge ako as an actor. Right now, kung ano ‘yung project na ibigay sa akin, okey lang. I’m happy, ako ang leading man ni Carla dito sa bagong soap naming dalawa,” casual na sabi ng actor.
Willing ba naman ang binata to go daring sa mga susunod niyang project? “Ang sa akin lang, if I’m ready to do it, I’ll do it! It depends naman sa story, if it’s a beautiful story at kailangan, okey lang.”
Kahit galing broken family si Geoff, very close pa rin sila sa isa’t isa. May mga okasyon nagkakasama-sama ang buong pamilya na para bang walang nangyari.
“Paminsan-minsan, we talk about work pero hindi ‘yung ginagawa namin. Like characters we play, ganu’n pero hindi detalyado. We talk about it but not about what each other is doing. We’re doing the same thing naman, di ba?”
Super close si Geoff sa kanyang Mommy Gina Alajar na all support sa kanya. “‘Yung bonding namin ni mom, very good especially now that my youngest brother AJ is studying and also working. My eldest brother Ryan has his own house already so, kami ng mom ko ang magkasama sa house. So it’s just me and my mom now, hindi niya kami pinababayaan. Palagi siyang nad’yan to support us especially when we go out of the country, palaging kasama namin siya. Kaming magkakapatid ang gumagastos lahat, we just want her to be happy and enjoy life. My mom handles everything, marami siyang alam na hindi ko pa alam,” pahayag ni Geoff.
Kahit hiwalay na ang mga magulang ni Geoff patuloy pa rin ang communication niya with his dad Michael de Mesa. “Yeah, very good also kasi growing up, dad ako. Siya ‘yung nag-alaga sa akin noon. Now, kahit hiwalay na sila , I still see him. ‘Yung communication namin ni Dad never naman nawala. Siyempre, at first, it’s really hard since it happened, they are both happy now. They still talk. Whatever happens, tatay ko pa rin siya.”
Tanggap ba nila ang bagong babae sa buhay ni Michael? “She knows everybody in the family. She’s accepted na, walang problema.”
Kung hindi naging artista si Geoff, ano kaya siya ngayon ? “Kung hindi ako artista, I’’d be graduating in college, medicine. I took a year in medicine. Eversince naman, kami ng mga kapatid ko, we‘ve always been in the business, pasulput-sulpot. It’s happened during Hiram days na seryoso na ako. Ang nangyari lang sa akin, I was fat. And then, I lost weight, puro sports lang. Ang plano ko lang dapat was to do commercial and things like that. I did one commercial, lumaki ‘yung commercial, people like it and everybody knew about it. ABS offered me, du’n nagtuluy-tuloy.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield