GINULAT NI Geoff Eigenmann ang mga press dahil bigla ang pagbabalik ng katawan na umabot sa more than 200 lbs at naging more than 100 lbs na lang ngayon. Kaya nang bumungad ito sa ginanap na launching ng Adarna na pinagbibidahan ni Kylie Padilla, nagkakaisa ang mga nakakita na bumalik ang kaguwapuhan ng actor.
Hindi naman itinanggi ni Geoff na isa siya sa pinadalhan ng memo fat ng GMA-7 na hindi raw niya inintindi at sa halip ay naging matigas daw ang ulo niya.
Pero nang pansinin na rin daw ng girlfriend niyang si Carla Abellana at ng mga nakakasama ang katabaan, saka lang siya nagdesisyon na mag-diet at mag-exercise araw-araw sa gym.
Lalo nang makatanggap siya ng offer na siya ang isa sa magiging leading men ni Kylie sa Adarna. Dito na raw siya lalong nagpursige na mag-reduce at natupad naman.
Samantalang itinanggi ni Geoff na lumaki na raw ang ulo ng girlfriend magmula nang mag-klik ang bekiserye ni Carla na My Husband’s Lover.
“Si Carla, lumaki ang ulo? No! I don’t think so. Siya pa rin ang Carla na nakilala ko noon at hanggang ngayon, mabait at walang kaere-ere sa katawan at sarili. Down to Earth makisama at hindi plastic na tao,” pagtatanggol ni Geoff kay Carla.
Ask kung may balak na silang magpakasal ni Carla? Naunahan na kasi siya ng nakababatang kapatid, “Hahahaha! Mas responsible na kasi ngayon si AJ (utol ni Geoff na ikinasal). Siguro next year (wedding nila ni Carla). Maybe. Maybe. A big maybe. Kasi si AJ nga ikinasal and still plan of wedding here. So, by next year. Ayoko ng sukob. We’ll see! Hahahah! Marami pang time,” pahayag pa ni Geoff.
SA ISANG video interview kay Jennylyn Mercado, tinanong siya kung mayroon bang magaganap na pagbabalikan sa kanila ni Mark Herras dahil muli silang magkakasama ng ex-boyfriend sa isang serye sa GMA-7, ang Rhodora X.
“Para sa akin, kung tapos na, tapos na. Hindi na kailangang balikan. Siguro ‘yung relasyon namin ni Mark, special. Masasabi kong special, kasi marami rin kaming pinagdaanan. Marami rin kaming pinagsamahan, kaya masasabi ko na isa siya talaga sa special para sa akin,” say ni Jen.
Sabi naman ni Mark, masaya siya sa pagbabalik-tambalan nila ni Jen at excited na nga siya sa project.
When Jen was asked kung handa na ba siyang tumanggap uli ng manliligaw? Napailing ito at sabay sabi na matatagalan pa raw.
“Sa ngayon, matatagalan talaga bago ako mag-entertain uli or ma-involve uli sa isang tao. Kaya ayoko ko muna. Trabaho muna,” ani Jen.
Moving on na sa ngayon si Jen at ayaw na niyang pag-usapan pa ang break-up nila ni Luis Manzano dahil napagkasunduan na raw nila ng ex-boyfriend na isapribado na lang kung anuman ang napag-usapan nila when they broke-up.
KUNG ANG ibang artista ay lantaran ang ginagawang pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda particular sa Tacloban at Visaya, mayroon din mga artista na gumagawa ng paraan na makatulong na hindi na kailangang ipaalam sa madlang people or para isatelebisyon ang ginawang pagtulong.
Ilan sa mga artista na tumutulong nang palihim ay sina Lovi Poe, Senator Bong Revilla na akala ng marami ay nandiyan lang at walang ginagawa, pero tahimik silang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo na hindi na kailangang i-publish at isa-telebisyon.
Ito ang namana ni Lovi Poe sa amang si Fernando Poe, Jr. na tumutulong pero ayaw na ayaw mababalita.
Ganoon din si Senator Bong na laging tumutulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit or publicity or pagbi-build-up. ‘Yan din yata ang namana ni Bong sa namayapang si FPJ na kapag tumulong ay hindi na kailangang malaman ng sambayanang Pilipino.
Samantalang dahil sa ginagawang pagtulong ni Senator Bong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, nag-advance taping ito ng kanyang program sa GMA-7, ang Kap’s Amazing Stories para walang maging aberya sa TV show na napapanood every Sunday sa Kapuso Network.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo