HANGA NAMAN kami sa kagandahan ni Georgina Wilson, halos nasa kanya na nga ang lahat, eh. Edukada, maraming endorsement at guwapong boyfriend. Pero minsan, parang may ibang katauhan ito dahil nagtu-tweet ito ng feeling namin nakasasakit sa damdamin ng iba.
Last year, umani ng batikos ang tweetpic nito kung saan nilagay niya sa kanyang katawan ang ulo ng Superstar na si Nora Aunor. Marami ang nagsasabing pambabastos ito sa katauhan ng magaling na actress na sikat hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Agad din itong binura ni Georgina.
Nitong election naman, nagpasaring na naman ito sa dating Presidente na si Joseph Estrada na nahalal na bilang mayor ng Maynila. Sabi niya sa kanyang tweet, “ugh i hate politics – but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot”
Masasabi kasing insulto sa mga bumoto sa dating presidente bilang mayor ng Maynila ang pagtawag niyang ‘idiot’ o mangmang at walang utak ang mga sumuporta kay Erap.
Binura na naman agad ni Georgina ang kanyang tweet.
Pero hindi na siya pinalampas ng anak ni Erap, kasi feeling namin matapang siyang mag-tweet kaso binura naman agad.
Tweet reply ni Jake Ejercito, anak ni Manila mayor-elect Joseph Estrada sa dating actress na si Laarni Enriquez, last May 17, “Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it. Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, “fucking idiots” is harsh and truly uncalled for. Don’t hate without knowing the facts RT “@ilovegeorgina: ugh i hate politics – but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot”
Sapul. Booom!
NAGING SORPRESA sa lahat ang pangunguna ng dating Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman na si Grace Poe sa bilangan sa senatorial race kung saan nag-top ito among the magic 12.
Bakit nga ba nanguna si Grace Poe sa magic 12? FPJ Magic daw ang sikreto rito.
Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com last May 14, kuwento ng isang advertising executive ng Campaigns and Grey na si Yoly Ong, hindi na raw nakagugulat ang malakas na laban ni Grace sa senatorial race dahil daw sa popularidad pa rin ng kanyang amang si FPJ.
“I knew that the father’s following would somehow rub off on her.”
Dagdag pa nito, ang political ads ni Grace na gumamit sa mga katagang ‘Si Grace Poe’ ay nakapagbigay ng malaking tulong dito para makilala ng mga tao.
Aniya, “It was humorous for one and I think it only ran for a short while because it’s cute. After that, it’s like telling the joke over and over so you can’t really, you have to change the material. I think it worked because she had really low awareness in the beginning. So the repetition of ‘po, po po’ was really strategic in that sense that she wanted the name to stick. It used to be Llamanzares.”
Ayon naman sa magaling na PR man na si Reli German, “You need to create awareness first and then next comes acceptance and then comes action. But we don’t need that much awareness really for a lot of the people, a lot of the candidates who are running with very familiar names and very familiar faces.”
Tama naman, POE.
Congrats Senator-elect Grace, salamat sa pangakong kahit magsimula ka nang magsilbi sa bayan through the Senate ay magiging textmate pa rin tayo.
TAWA KAMI nang tawa kahapon dahil habang nanonood kami ng ASAP 18 sa ABS-CBN, nag-text naman ang isa naming kaibigan na ang lakas daw makaasar ng ASAP. Nilakasan namin ang volume ng aming TV at ang kanta ay ganito ang mga linya, “Here we come, to the end of the road…”
Patama ba ito sa Party Pilipinas na tapos na ang kabanata kahapon? Asar nga naman, hahaha!
Sure na ‘to
By Arniel Serato