Gerald Anderson’s controversy

ISANG KONTROBERSYAL NA aktor ang aking naka-chitchat. Hindi kaila sa inyo na halos pinagpiyestahan ang mga kontrobersiya niya at ng kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu. At lalo naman ang mga kapwa kampo, na halos makikita natin na halos sila na ‘ata ang nagdidikta o nagtatadhana ng buhay ng isang artista.

Well, halos ‘pag akala nilang naagrabyado ang kanilang iniidolo, nandoong nagbabantaan ang magkakabilang kampo. Naks! Kung sinuman ang mga ito ay si Dodie’ng Daga na lamang ang nakakaalam.

Paano ba nag-umpisa si Gerald Anderson bilang artista? “Ah, nag-umpisa ako sa Pinoy Big Brother 2006, tapos simula noon binibigyan ako ng mga projects, para ah… ayun kasi loveteam pa kami ni Kim Chiu after PBB. Tapos ‘nung Pinoy Big Brother, tuluy-tuloy na.”

Well, nainterbyu ko na rin si Kim Chiu noon bago pa rin lang siya. Pero, alam ba ninyong si Gerald ay anak ng isang Caucasian American at isang pilot instructor ng Navy. At ang binatang ito ay ipinanganak sa Subic. Itinanong ko rin kung ano ang life niya bago nag-artista at ayon sa kanya ay pag-aaral at paglalaro ng basketball ang kanyang pinagkaka-abalahan bilang normal na gawain ng isang kabataan.

Papaano kaya siya magdiskarte sa chicks ‘pag kursunada niya noong ‘di pa siya artista? “Ah, siyempre noong araw medyo torpe pa kami. Ano lang medyo pa-text-text. Du’n naman talaga nagsisimula ang lahat.”

Ah, hahaha! Paano? Nagreregalo ka rin ba? “Oo naman, lalo na kapag kayo na.”

Ano ba’ng ibinibigay niya? “Flowers. Stuffed toys noong araw.”

Uhumm… si Kim kaya marami ring stuffed toys at flowers? At kasamang nanonood ng movies? Heheheh! Hoy! Tumigil ka Dodie’ng Daga, intriga na ‘yan!

Ani ni Dodieng Daga, “Naku, Maestro… bossing, alam mo bang mahilig din itong manood ng sine at ang mga hinaha-ngaan niya ay ang mga Hollywood actresses at actors tulad nina Brad Pitt at Sean Penn sa acting. Sa babae naman ay sina Julia Roberts at Angelina Jolie. At sa local actors ay sina Piolo Pascual, sina John Lloyd Cruz at Robin Padilla, ‘yung Guns & Roses, bossing!”

Ah, ‘yan… ‘di tsismis ‘yan, si Binoe ‘yan. Ah teka, panay yata Star Magic ang sinasabi ng aktor? Paliwanag naman ng bidang si Gerald, “Ah, kumbaga ano talaga namin eh, mga role models namin at Kapamilya namin.”

Oh, sige! Ano bang ipino-promote mong palabas ngayon?

“Ah, kakapalabas lang ng movie namin ni Sarah Geronimo (Catch Me I’m In Love) tapos ASAP every Sunday. Siyempre kung anuman ang ibigay nila sa aking project, sana maging maganda.”

Ano ang babaeng gustong niyang makapiling habang buhay? “Ah, simpleng babae lang na masarap kasama, kasi magiging asawa mo ‘yun, eh. Oo, gusto ko mabait, mabait sa mga tao, maa-laga.”

Oo naman, pang habambuhay ‘yun eh. Twenty years from now, ano ang vision ni Gerald? “Ah, gusto ko investments. Sana maganda pa rin ang karera ko kahit hindi sa showbiz. May business. Maraming income.”

Kung halimbawa, pahinga ka, walang shoo-ting, ilang hours ang tulog mo? “Ah siyempre eight hours, pero minsan sumusobra kasi bumabawi, heheheh!”

Bale ilan ang sasakyan mo ngayon? “Tatlo. Ah, may isang sportscar. Tapos isang pantrabaho, tapos may isa akong SUV. Pang porma lang, pang-ikot.”

Sa bahay mo, ano ang isinusuot mo? “Sando, shorts, tsinelas. Kahit hanggang ngayon naman eh, kaya minsan pinapagalitan ako, eh.”

Bale ano ang masasabi mo sa kapwa mo artista? Sa mga kasing-edaran mo? “Ah ano talaga, kahit anong higpit ng kumpe-tisyon sa amin, magkakaibigan pa rin kami, nagtutulungan pa rin kami.”

Inamin niya sa akin na kahit ano ang hot na hot sa tsismis at involvement ay, “Ah, oo, ang kailangan mo talaga eh, maging totoo sa mga kaibigan mo.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09301457621; e-mail: [email protected], [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net

By Maestro Orobia

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleEugene Domingo, ka-level na si La Aunor!
Next articleChampionship ng TRUST Bunong Braso Challenge,Todo sa Saya!

No posts to display