Gerald Anderson at Arci Munoz, mas bagay na friends na lang

#TeamLabLab: Gerald Anderson and Arci Munoz reunited in ‘Can We Still be Friends?’

MUKHANG BUDDY-BUDDY talaga sina Gerald Anderson at Arci Munoz. Mas oks na friends lang sila kaysa sa maging magkarelasyon.

 

Akala ko nga noong una ay dumidiskarte ang binata sa dalaga nang magkasama sila sa pelikula na siyang kadalasan na nangyayari sa ang mga artista sa iisang project o pelikula. Hindi maiwasang magkadevelopan.

Sa kaso nina Geh at Arci, tila nalampasan nila ‘yun and they remained as friends. Ang hirap kasing i-control kung sakaling may feelings ka sa co-star mo na sa simula ay professional level lang ang relasyon ninyong dalawa, na bago magtapos ang shooting at promotion ng pelikula ninyo ay nahulog na ang loob ninyo sa isa’t isa.
 

Sa unang tambalan nina Gerald at Arci, kung tama ang alaala ko, ang dalaga ay kabe-break lang with her boyfriend at si Gerlad naman at tila ‘good boy’ nun at walang nililigawan dahil nabuhay ang pagkaka-link sa kanila ni Bea Alonzo, na ngayo’y tila going strong ang ‘friendship nila. Hanggang ngayon at dine-deny pa rin nila kung anuman ang meron sa kanila. 
 
Kaya nga happy sina Gerald at Arci sa muling pagsasama nila sa pelikulang “Can We Still Be Friends?” from Star Cinema mula sa direksyon ni Prime Cruz na palabas na simula ngayong araw June 14, sa outcome ng pagiging magkaibigan nila.
 
Si Gerald ay guwapo at hindi mase-zero. Si Arci ay love ng mga kalalakihan pero ang dalawa’y naging “besti” at hindi ganun lagi ang ang nagyayari.
 
Sa pelikula, makakasama nila sina Ria Atayde , Erika Padilla, Bryan Santos at Markki Stroem.
 
Last night, sa preem ng pelikula san SM Megamall ay all out ang supporta ng mga  friends nila.
 
Promise, mamaya after work isa ako sa pipila sa takilya. Ako pa na mahilig sa Pinoy romcom, hindi ako mauunahan!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleTRANSFORM PA MORE! Paolo Ballesteros, pinabilib si Wonder Woman Gal Gadot!
Next articleLiza Soberano, nagsimula na ang training for Darna!

No posts to display