Sa wakas napanood ko na rin ang pelikula nina Gerald Anderson at Arci Muñoz sa unang araw ng showing sa LFS sa paborito kong Fisher Mall. Super like ko ang pelikula. I love Arci sa luka-lukang karakter niya as Tintin (magaling ang ate mo). Si Gerald, oks din na bumagay ang timpla nila ni Arci on screen, at napakaguwapo in all angles.
Bagay ang tambalan nilang dalawa. Kung idi-describe ko ang “Always Be My Maybe” ni Direk Dan Villegas: the film is sexy, funny, and romantic na ang mga character ng dalawang bida ay malamang sa hindi, mayroong Tintin or Jake na nakakubli sa tunay nating katauhan lalo na sa usaping pag-ibig at sa mga pangarap natin sa ating lovelife o sa hinahanap at gusto nating mangyari sa buhay pag-ibig natin.
Congrats kina Gerald Anderson at Arci Muñoz. Ang galing mo, ‘teh! Special mention din sina Kakai Bautista at Ricci Chan na gumanap bilang friends ni Arci, at lalo na si Jane Oineza na puwedeng-puwede sa aktingan as Gerald’s personal secretary.
Ngayong wagi ang “Always Be Maybe” sa takilya at puwede na ring ipagmalaki na puwedeng-puwede ang tambalang Gerald at Arci for a take 2 movie, maitatawid kaya sa totohanan ang ka-sweet-an at kakaswalan ng mga karakter nila as Tintin and Jake sa totoong buhay?
Si Gerald, binatang-binata at libreng-libre na tipong bagay kay Arci. Ang dalaga naman, may boyfriend daw, pero hindi naman nararamdaman at parang wala naman. Not bad kung magkadebelopan sila at maging makatotohanan.
With “Always Be My Maybe”, hindi mo paghihinayangan na mag-skip muna ng Big Mac, Large Coke Float with matching Large Fries. Wagi na naman ang Star Cinema sa proyekto nilang ito.
Reyted K
By RK VillaCorta