NAGKAKALABUAN NA nga ba sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson?
Hindi na raw kasi masyadong nagkikita ang dalawa at mukhang nag-iiwasan pa.
Sa premiere night kasi ng Born To Love You ay marami ang nakapansin na hindi raw magkasabay na dumating ang dalawa. Entonces, hindi rin daw sila sabay na umalis.
At may tsika rin na hindi na gaanong pumupunta si Gerald sa balaysung nina Sarah where before ay halos araw-araw raw ito sa pagbisita sa dalaga.
Ano kaya ang dahilan kung bakit parang nananamlay na ang dalawa sa isa’t isa?
May kinalaman kaya ang nasulat naming nakikipag-date pa sa ibang babae si Gerald lalo na kapag out of town siya?
Ang alam namin ay magsisimula nang mag-shoot ng movie nila sina Sarah and Gerald. Naku, ano kaya ang eksena nila kapag nasa movie set sila?
Teka, alam din namin na magbabalik-tambalan sina Gerald at Kim Chiu.
WHILE ON our way to watch Boy Pick-Up The Movie it entered our mind that we were going to be disappointed, na hindi nakakatawa ang pelikulang pinagbibidahan ni Ogie Alcasid.
But we were wrong. Very, very wrong!
Nakakaaliw naman pala ang movie and magaling naman pala itong si Dominic Zapata sa ganitong genre. Para kasi sa amin ay parang baduy ang hip hop sa ating bansa lalo pa’t it’s about pick-up lines.
As a comedian, Ogie more than delivered. He was very good sa role niya bilang Boy Pick-Up. Ang galing niya sa kanyang comic monologue. Bagay na bagay sa kanya ang role.
Solenn Heussaff is a big revelation. We initially thought that she’s a ham actress pero hindi pala. Ang galing niya sa comedy which is for a newcomer ay hindi madaling itawid.
Isa pang magaling ay si Dennis Trillo bilang si Bagwis. Menacing na menacing ang kanyang look bilang kontrabida rito. Although parang may peg na ginagaya si Dennis, he delivered naman bilang isang pick-up artist na disappointed dahil natalo siya ni Boy Pick-Up.
KUNG DITO ay may kasambahay at yaya si Anne Curtis, sa abroad ay siya mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit.
Not a few of her followers were surprised when she tweeted na maglalaba siya which prompted her to post this message, “nakakatawa kayo! Yes, i do my own laundry. Magisa lang ako dito so if i don’t do it wala na akong susuotin. :)”
Thankful si Anne sa kanyang madir na naturuan siya na gumawa ng household chores.
“Buti na lang when i was younger my mum @carmcurtissmith trained me well. I was never spoilt. I even had to hang them out on the clothes line.”
“I owe my mum a @carmcurtissmith a big thanks for that.. I learnt how to set the table, wash & dry the dishes even iron. :)”
“I even babysat :) Of course this was all during a time with no cellphones, laptops and all the techie stuff. We would actually go outside every weekend i had chores to do before i could go out to play. I’d even get $2 if i did very good. Right mum? @carmcurtissmith :)”
‘Yan ang sunud-sunod na tweet ni Anne na one month mawawala sa local showbiz.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas