IBINAHAGI ng aktor na si Gerald Anderson kung ano ang matinding frustrations niya sa showbiz sa loob ng halos 14 years niya rito bilang artisa. Napapansin daw niya na palaging nakaabang ang mga tao kapag nagkakamali ang mga kagaya niyang celebrity.
“Lahat tayo na nasa industriya na ’to, kumbaga, laging may mali. Kumbaga, gusto lang makita ng tao kung ano yung perspective nila, kung ano yung tingin nila sa atin.
“Yung iba, sabihin nating yung supporters natin na sobrang perfect yung tingin sa atin, and then pag nagkamali, parang maraming nakaabang,” bulalas ng aktor.
Dagdag pa ni Gerald, tao rin lang daw sila na may mga emosyon, nagkakaroon ng mga problema at nagkakamali.
“It’s very hard to explain sa mga tao. Alam ko naman kung saan din ako nagkamali and ang dating sa ibang tao na, parang wala lang sa akin.
“Kumbaga, nakikita lang naman ako pag may interviews, pag may lumabas na soap pero hindi nila nakikita kung paano ako sa bahay, kung paano ko ina-absorb lahat ng ito.
“Hindi ko sinasabi na… akala siguro nila na parang ang dali lang sa akin kung ano man yung pinagdaanan ko,” paliwanag ni Gerald.
Kung may mga naging pagkakamali man daw siya in the past ay marami rin naman siyang napulot na aral dito.
“Ako, personally, isa sa mga natutunan ko is grabe yung growth ko sa mga failure at pagkakamali at shortcomings ko kesa sa mga success na nakuha ko sa buhay,” pagmamalaki pa niya.