Dream come-true para kay Gerald Anderson na makapareha niya ang ex-girlfriend na si Bea Alonzo sa pelikulang “How To Be Yours” sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas under Star Cinema. Ito’y romantic-drama na nakasentro kina Anj (Bea Alonzo) at Niño (Gerald Anderson) na parehong may mga pangarap sa buhay. Sa takbo ng istorya kailangang mamili sila kung career o love ang magiging priority nila sa buhay.
Para kay Bea, mahirap mamili kung love or career ang magiging priority niya. Say niya, “Mahirap siya… depende kung nasaan ka sa status ng buhay mo, kung ano ang kailangan mo. Actually, ‘yun ang gusto ko sa pelikulang ito, paglabas mo ng sinehan, after watching this movie, tatanungin mo ang iyong sarili, ano ba talaga, choice A or B? Ganu’n ba talaga ka-black and white, ganu’n ba kasimple pagpilian? Ganu’n ba kahirap pagbalansehin? ‘Yun ang gusto kong baon nila after watching this film.
“Sana maka-relate tayong lahat kasi kahit ako personally, naka-relate ako rito. In some point, tinanong natin sa sarili natin kung ano ang uunahin, ‘yung pagmamahal natin para sa taong ito or career? Palaging naitatanong ‘yan.
Ang sabi nila, kapag suwerte ka sa career, hindi kasuwerte sa love. Sana makita ninyo sa pelikula kung ano ‘yung take naming du’n. There’s a point in my life, nag-struggle ako, nahirapan ako between love or career.”
Career naman ang mahalaga para kay Gerald sa ngayon. “Medyo weird. Right now, this exact moment, choice A (love) na ako kapag nakilala ko na ‘yung babae para sa akin. ‘Yung babae na ready na ako to settle down to have a family. I choose B (career), ako ngayon kasi, gusto kong mag-ipon. Gusto kong paghandaan ‘yung sarili ko kapag nakilala ko siya, ibibigay ko ‘yung bahay na gusto niya. Lahat ng gusto niya, kaya kong ibigay agad.
“I’m already 27 years old, hindi na ako ‘yung bata sa PBB. Malapit na ako sa marrying age. So, I’m preparing myself. Right now, ang future choice ko, career. May mga times in my life na nandu’n ako, ano ba ang mas matimbang sa inyo? ‘Yung ginagawa ninyo ngayon o ‘yung mahal ninyo sa buhay? It doesn’t mean dahil career ang pinili ninyo… it’s something that you love, mahal ninyo ang ginagawa ninyo, it’s your passion. Mahirap‘yung struggle na ‘yan, makikita ninyo rito.”
Kahit na-experience na nina Bea at Gerald na ipinagpalit sila ng kanilang karelasyon over career, willing pa rin silang makatrabaho ang kani-kaniyang ex-dyowa in the near future. Katuwiran ng actor, “Maraming project ‘yan para sa akin, why not? More project, more blessings. I’d love to, para sa mga fans.”
Hindi importante kay Bea kung sinuman ang artistang makasasama niya sa isang pelikula. Ang mahalaga sa actress, ‘yung istorya at niniwala siya sa project. “Kung naniniwala ako sa sarili ko, kaya kong gawin ‘yung proyekto. It’s more than that, hindi ‘yung kung sino ang makasasama ko sa pelikula.”
Ayaw magsalita nang tapos ni Bea kung may posiblility na maging sila uli ni Gerald Anderson o ang ex-boyfriend niyang si Zanjoe. “Sa akin, hindi pa siya nangyari. Mahirap magsalita, hindi ko pa napagdaraanan sa buhay ko. Pero hindi ko alam ang mga p’wedeng mangyari…”
Sambit naman ni Gerald, “Actually, wala pang sagot sa ganu’ng tanong, kasi hindi mo alam kung ano ang p’wedeng mangyari. ‘Pag nagsama kayo, okay pa ba kayo? Parang ibang tao na ba siya o gusto pa rin ninyo ang isa’t isa? Hindi ko na-experience, so I can’t say. So, wala pa talagang sagot.”
Sa first team-up nina Bea at Gerald, nag-level up ang pagsasama nila sa pelikula. “Physically, nag-level-up siya, pa-sexy nang pa-sexy. Napaka-weird, parang nagbago lahat sa kanya, pero at the same time parang walang nagbago. Hindi ko alam kung papaano ko i-explain ‘yung feeling na ‘yun. Minsan may mga conversation kami, hindi naming pinag-uusapan dati. Pero may mga ibang conversation naming parang 5 years ago na ito. Iba ‘yung feeling, I embrace it and I’m enjoying myself,” wika ni Gerald.
Very much happy ngayon si Bea na katrabaho niya ang ex-boyfriend na si Gerald. Malaki na raw ang pinagbago nito kaysa nu’ng time na sila pa. Paliwanag ng actress, “Natutuwa akong Makita na talagang nag-mature si Gerald, sobra. Ang ganda ng growth niya, first ko sasabihin sa ‘yo ito (Gerald). Alam mong may mga natutunanan siya sa mga pinagdaanan niya. Nakalulungkot naman halimbawa, you have gone through a lot of things in life and yet, wala kang natutunan, ‘di ba? Parang siya, nakita ko, ‘yung scars, nandito pa ang scars. Alam mo na ebidensiya, ang dami niyang natutunan. Naa-admire ko siya ngayon for that. He’s a better person now aside for a fact, he’s cute.“
Hindi itinangi ni Bea na nagiging topic din nila ni Gerald ‘yung past relationship nilang dalawa. “The mere fact na napag-uusapan naming siya, kasin gayon we just joke about it, napagtatawanan na lang namin, wala na ‘yun. Wala nang bitter feelings. Dati parang ang bigat-bigat niya. Ngayon when you look back, parang bakit natin masyadong sineryoso ‘yung buhay natin? Dapat nag-enjoy lang tayo…”
Sa pelikulang “How To Be Yours”, live-in partners sina Bea at Gerald. Siyempre, malaking factor ang love scene nila sa pelikula. Ayon kay Direk Dan Villegas, “Magical siya. Ang approach naming sa love scene is more romantic. Naka-pedestal ‘yung approach sa love scene.”
Tuwing may love scene si Bea sa pelikula, kinakabahan pa rin siya. “Ito na yata ang pinakanakakatawa. Kasi si Gerald, biglang magma-macho dance,” sabi niya.
Mariing sinabi ni Gerald na 15 years old pa lang siya, crush na niya si Bea Alonzo. “Siyempre nakakababae, nakakikilig. Nu’ng dati, sinasabi niya sa akin, hindi ako naniniwala. Siguro naman sa pagiging consistent niya after how many years, naniniwala na ako. Gusto kong iklaro na noong 15 years old siya, 16 years old, nandu’n ako,” natatawang sambit ng actress.
Nagkaroon ng closure ang paghihiwalay nina Bea at Geralad kaya naging magaan sa kanila ngayong pinag-uusapan ‘yung pinagdaanan nila before. “Kung wala kaming closure, hindi naming pinag-usapan ‘yun, tapos ngayon, natatawa pa kami,” say ni Gerald.
Paliwanag naman ni Bea, “Siguro through time, nagkaroon kami ng closure. Kasi nu’ng time na‘yun hindi ganu’n kalinaw. It was just to show the relationship. Siguro sa part ko, speaking for myself, naisip ko na sana, marami pa akong na-discover sa kanya. When I look back, parang gusto kong balikan ‘yung time we were together. ‘Yun ‘yung ako na carefree, I was young. It always reminds me of the time when I was carefree.”
Kung p’wede lang balikan ni Gerald ‘yung past nila ni Bea, marami siyang gusting baguhin. “Ang daming nangyayari sa career namin, professional life namin. Ang daming intriga, kapag magkasama kami ni Bea, nakakalimutan ko lahat ‘yun. Kapag kasama ko siya, sobrang ini-enjoy ko ‘yung moment. Nakita ko sa kanya kung papaano siya dati. Ang daming nagbago, pero walang nagbago. Kung paano siya dati na kasama ko, nag-joke ako kahit medyo corny na ‘yung joke ko, laging nakangiti. ‘Yung carefree na Bea, magkasama kami, nakikita ko pa rin. She’s the same person pa rin.”
Inamin ni Gerald na siya ang may kasalanan kaya sila naghiwalay ni Bea. “Immature ako, natatakot ako sa nangyayari sa paligid namin. Hindi ko alam kung paaano i-handle ‘yun.”
Eight months nang hiwalay si Bea kay Zanjoe, pero friends pa rin sila hanggang ngayon. “Never na hindi kami naging friends, it ended well. Until now, magkaibigan kami.”
Hindi alam ng actress kung may chance pang magkabalikan sila ni Z. Happy na raw siyang friends sila ng ex-boyfriend niya.
Itinanggi ni Bea na nanliligaw sa kanya si Paulo Avelino. Oo nga’t lumalabas sila, pero hindi raw nangangahulugang may something sa kanilang friendship. Hanggang friends lang daw ang turingan nila sa isa’tisa.Huwag daw bigyang-kulay ‘yung pagkikita nila sa Singapore with Enchong Dee.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield