Gerald Anderson, iniyakan ang balitang magdyowa na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo!

NAPAIYAK SI GERALD Anderson nang malaman niyang magdyowa na talaga sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Napahagulgol ang binatang bida sa Budoy nang makarating sa kanyang kaalaman na talagang mag-on na ang dalawa. Lalo pa siyang nasaktan nang malaman na magbabakasyon ang dalawa sa aborad na sila lang ang magkasama.

Walang closure ang relasyon nina Bea at Gerald. Nagpasiya lang si Gerald na pansamantalang itigil ang kanilang relasyon dahil na rin sa pressure. Matatandaang galit na galit ang Kimerald fans nang malaman nilang syota na ni Gerald si Bea. Umabot pa nga sa puntong sasabuyan pa raw ng asido ng ilang fans si Bea.

Dahil dito, nagpasya muna si Gerald na putulin ang kanyang relasyon sa dalaga. Nangako siyang aayusin muna niya ang sitwasyon at saka niya babalikan si Bea. Kaya lang, ang nangyari, niligawan ni Zanjoe si Bea hanggang sa mapaibig niya ito.

Ang depression daw ni Gerald sa nangyari sa kanila ni Bea ay nakatulong naman sa madrama niyang mga eksena sa Budoy.

HANGANG-HANGA SI PAOLO Bediones sa Brazilian models na sina  Daniel Matsunaga, Akihiro Sato, Fabio Ide na kasama sa Team Socceroo na pinamumunuan niya. Si Paolo ang sports adviser ng nasabing grupo na maglalaro sa United Football League Cup.

Actually, kabilang sa team ni Paolo si Jake Cuenca na dati rin palang football player.

“’Yung Brazilian na kasama namin magaling. In Brazil kasi, football is national sport. Kung Brazilian ka tapos hindi ka marunong maglaro ng football, nakakahiya ‘yon. Iba ‘yung sport ng soccer sa mga Brazilian, parang relihiyon nila ‘yon, eh,” paliwanag ni Paolo.

“So ‘yung mga Brazilian, very excited na panoorin na maglaro. ‘Yung footwork, the way na hina-handle nila ‘yung bola na akala mo kamay ang ginagamit pero paa ‘yon. ‘Yung sa offense, mahilig talaga sila sa lusob para mag-goal. ‘Yung defense lang, medyo ‘you can’t have everything, eh. ‘Yung focus sa offense, ang defense lang ang kailangang pagalingin,” dagdag pa ng binata.

Sabi pa ni Paolo, bigay-todo sa paglalaro ng football ang mga Brazilians.

“I’ve seen them sa training, ‘no. At the end of the day lalaki ‘yang mga ‘yan, pride. Kung makita mo silang maglaro, maiintindihan mo ‘yung passion nila. Wala silang pakialam kung matamaan man sila kasi ang logic nila hihilom naman ang mga sugat, eh.”

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleNang malamang bagsak sa ratings ang serye ni Nora Aunor Sharon Cuneta, ayaw nang lumipat sa TV5?!
Next articleBea Alonzo, mas type maging Kapuso?!

No posts to display