[imagebrowser id=145]
By Dani Flores
Star Magic Games
July 29, 2012
Celebrity Sports Club
Quezon City
SA IKATLONG pagkakataon, muling tinanghal na Most Valuable Player si Gerald Anderson sa katatapos na 3rd Star Magic Games na ginanap sa Celebrity Sports Club, Quezon City noong July 29, 2012.
Naiuwi rin ni Gerald ang special awards bilang Newton Fastest Athlete at Three Point King. Sina Zanjoe Marudo at Young JV naman ang mga runner-ups sa nasabing kategorya.
Si Kim Chiu naman ang naging awardee ng Most Games Played Award at ang Lorenzo’s Time lead star na si Zaijian Jaranilla ang nakakuha ng Generika Liksi Award.
Nakapag-uwi rin ng tropeyo at special awards sina Chokoleit bilang Most Valuable Player sa volleyball, Bangs Garcia bilang Toby’s Roo’s Most Bubbly Player, ang mga baguhang sina Alec Robles at Bianca Casado bilang mga Rookies of the Year, Best Defensive Players sina Gerard Acao at Venus Raj, Early Bird awardees sina PBB’s Kyra Custodio at Devon Seron, ang mga Star Magic kids at teens na sina Deydey Amansec, Nash Aguas at Bugoy Cariño ang nag-uwi ng Generika Galing, Generika Lakas and Generika Diskarte Awards.
Nag-umpisa ang event sa parade ng apat na koponan sa pangunguna ng mga team captain na sina Xian Lim, Zanjoe, Rayver Cruz at Gerald, kasama ang mga naggagandahang mga muse na sina Bianca Casado at Yen Santos ng Yellow Team, Jessy Mendiola at Empress ng Green Team, Michelle Vito at Coleen Garcia ng Blue Team at Kathryn Bernardo at Julia Montes ng Red Team.
Hosts ng event sina Robi Domingo at Pokwang, saan nanguna opening prayer si Bryan Santos na sinundan ng national anthem na kinanta ni Yeng Constantino. Opening remarks ang Star Magic main man na si Piolo Pascual at sinundan ng sportsmanship oath ng Sea Games Gold medalist na si Japoy Lizardo. Opisyal na nagbukas ang 2012 Star Magic Games sa pangunguna ni ABS-CBN Publishing head Ernie Lopez at si Star Magic head Mr. M ang nag-ceremonial toss.
Tinanghal na overall champion ang Red Team at 1st placer ang Yellow Team na kapwa nanguna sa basketball, volleyball, joust, dodgeball at tug of war. Ang Green Team ang 2nd place at 3rd place naman ang Blue Team.
Pinangunahan ng mga host na si Maricar Reyes, Nikki Valdez at Sam Concepcion ang awarding ceremony sa pagtatapos ng Star Magic Games. Tinanghal na champion sina Piolo Pascual at AJ Dee sa men’s division ng badminton, samantalang sina Kim Chiu at talent handler Kate Pepito sa women’s division. Ang Red Team na sina Kristel Moreno at DM Sevilla ang runaway winners laban kina Angelica Panganiban at Rica Paras ng Green Team at Blue Team nina Erich Gonzales at Neil Coleta sa mixed division ng badminton. Sina PBB Ivan Dorschner at Corrs Ebora ng ASAP 2012 ang nagwagi sa larong Joust.
Naging matagumpay ang 3rd Star Magic Games, sa pakikipagtulungan sa Star Studio Magazine, bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo ng Star Magic kung saan nagsama-sama ang halos lahat ng mga artista ng ABS-CBN. Sa ganitong mga okasyon, mas lalo pang tumitibay at tumatatag ang magandang samahan ng mga bituin ng Star Magic bilang isang pamilya!
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service