Gerald Anderson, nalaos nang mag-solo

Gerald-AndersonHINDI NA lang nagpapaapekto si Gerald Anderson sa mga nang-iintriga na nalalaos na diumano siya, at ang tinutumbok ng mga paninisi ay ang dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Maja Salvador sa panahong nasa kainitan ang kanyang career.  Pinapansin din na si Daniel Padilla ang nagpalaos sa kanya, dahil nga naman bago dumating ang kasikatan ng ka-loveteam ni Kathryn Bernardo ay ang ex-boyfriend ni Kim Chiu ang namamayagpag sa kasikatan.

Kuntento naman kasi si Gerald sa kasikatan na kanyang nakuha bago medyo lumamlam ang kanyang popularity.  Nakapag-ipon na siya, at naipagpatayo niya ng magandang bahay ang kanyang pamilya. Hindi naman kasi siya waldas sa pera, kaya hindi nasayang ang kanyang pag-aartista. Ang huling teleserye na siya talaga ang bida, ang “Budoy” ay pumatok talaga sa mga manonood, at nagmarka na ang galing niya bilang actor. Na kahit tisoy siya na medyo baluktot ang dilas sa pagsasalita ng Tagalog ay napatunayan niyang marunong pala siyang umarte.

Bagay sina Gerald at Maja na magkarelasyon para magkatuluyan. Pero sa career, hindi sila nagkakatulungan, dahil may mga tagasubaybay talaga ang loveteam noon nina Gerald at Kim, at nawalan ng ka-loveteam si Gerald, kaya medyo tumamlay ang career niya. Bilang solo, hindi pa kayang pataubin ni Gerald sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Si Daniel kasi ay may ka-loveteam, kaya lalo siyang pumatok, at kasikatan nga niya ang pumalit sa tumamlay na popularity ni Anderson.

NAPAMAHAL NA sa mga taga-showbiz si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta kasi nga, lagi naman niyang pinatutunayan na malapit din sa kanyang puso ang showbiz, dahil na rin sa dami ng kanyang mga naging kaibigan sa industriyang ito. Hindi lang niya inambisyong maging artista, pero naaaliw siya sa mga taga-showbiz dahil daw maintriga pero masaya ang mundo ng mga artista at ng mga manunulat dito na naging mga kakilala at mga kaibigan niya rin.

“Napakaseryoso ng ahensiyang kinabibilangan ko. Seryoso ang trabaho ko bilang abogada. Pero nang mapalapit ako sa mga taga-showbiz, kakaiba ito. Maingay na masaya, pero magaan kaibigan ang mga tao sa showbiz, dahil siguro’y masaya nga ang kanilang trabaho. Ibang klase. Nakahahawa sila, kaya masaya rin akong kasama sila,” wika ni Atty. Persida.

Hindi nga naman kasi biro ang responsibilidad ni Atty. Persida bilang PAO Chief. Katulad na lang ngayon na ang tinututukan naman niyang usapin ay ang tungkol sa mga pamilya at mga naging biktima ng lumubog na M/V Princess of the Stars na ang may-ari ay si Mr. Edgar S. Go. Humihingi ng hustisya ang mga naiwang pamilya ng mga naging biktima sa paglubog ng nasabing barko, at si Atty. Persida nga at ang PAO ang tumutulong sa kanila.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleSen. Jinggoy Estrada, nagsasakit-sakitan din?
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 121 October 1 – 2, 2014

No posts to display