NAGTATAKA LANG ako na ang dami pa rin sa taga-showbiz ang hindi maka-move-on na si Gerald Anderson ay may bago na.
Tapos na ang chapter ng kanyang buhay kay Kim Chiu na pilit pa ring isinasabit at itinatanong sa kanya kahit mayroong Xian Lim na ang dalaga.
Maging si Sarah Geronimo, wala pa ring tigil ang iba na pilit pinapa-comment ang aktor tungkol sa Pop Princess gayong tapos na rin ang sa kanila kahit walang pag-amin na nagmula sa dalawa.
As a true gentleman, tama lang marahil na umiwas na lang si Gerald sa mga katanungan na parang sirang plaka gayong happy and contended naman siya sa buhay niya bilang boyfriend ni Maja Salvador.
Tama lang na mag-“No Comment” siya kapag si Kim or Sarah ang itinatanong sa kanya.
Bilang isa sa mga promising star ng ABS-CBN at ng Star Cinema, hindi lang naman ang kanyang lovelife ang p’wedeng pag-usapan ng media at ng publiko.
Siya bilang isa sa mga magagaling nating artista sa hanay ng mga sumusunod kina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual; being a Gerald Anderson is enough without tagging the names of Kim, Sarah or even Maja sa pangalan niya.
With a flourishing career and considered as one of our good performers, Gerald has earned the respect hindi lang bilang isang matinee idol kundi bilang isang aktor.
Kaya nga challenge kay Gerald na makipagtagisan ng acting with Piolo Pascual and Joel Torre sa bagong obra ni Direk Erik Matti, ang OTJ (On The Job) na isang bagong genre na ginawa ni Gerald para masubukan ang kanyang versatility as an actor.
Hindi ako magtataka na sa konsentrasyon ni Gerald sa kanyang career as an actor, mas nabibigyan siya ng importansya ng Star Cinema (at ng Star Magic) to get good roles and projects.
Sa panahon na mahigpit ang kumpetisyon sa liga nila, tama lang at alam ni Gerald kung alin ang prayoridad niya. Sabi nga niya, “Ang chance minsan lang dumarating ‘yan. When it comes knocking in your door, grab the opportunity.”
Reyted K
By RK VillaCorta