WHY ARE we not surprised when we learned that Sarah Geronimo’s mom Divine hired a private detective para tiktikan ang mga activities ni Gerald Anderson?
Buong ningning na sinabi raw ni Divine sa ilang press na um-attend ng thanksgiving party ni Sarah na talagang nag-hire siya ng detective para malaman niya kung talagang seryoso si Gerald sa panliligaw sa kanyang anak.
We could only understand why she did what she did. Mother’s instinct ang umiral sa kanya. Kaya lang, obvious naman na pera ni Sarah ang kanyang ginamit. Bakit, me savings ba siya on her own? Hindi ba’t pera naman lahat ni Sarah ang umiikot sa kanilang pamilya?
Kung hindi kaya artista si Sarah, magawa kaya ni Divine na mag-hire ng detective? Parang hindi naman.
Teka, kumuha rin ba ng detective si Divine para malaman kung loyal sa kanyang isa pang daughter ang boyfriend nito ngayon?
So, this should serve as a warning of sort sa future suitors ni Sarah. Na puwede pala si-lang ipa-background check ni Divine para masigurong hindi nila lolokohin ang kanyang anak.
INTERVIEWING SOLENN Heussaff is a breath of fresh air. We find her a very engaging interviewee.
But what we find very much interesting is her affront personality. She calls a spade a spade.
Inamin ni Solenn na she’s living-in for two years now.
“Ito ‘yung second live-in ko,” walang kagatul-gatol na pag-amin ni Solenn na kasama sa Seduction.
Nagwo-work kay Solenn ang ganitong arrangement. “It’s my way to know a person,” esplika niya.
Sabi pa niya, merong couple na magdyowa for seven years tapos nagpa-kasal. Nang nagsasama na sila sa iisang bahay ay naghiwalay rin sila dahil may mistress ‘yung guy.
“You won’t know a person until you live with a person,” sabi niya.
Walang takot na nakipaglampungan si Solenn kay Richard sa Seduction. Meron siyang mga eksenang naka-panty at naka-bra lang, merong naka-bikini at may wet look.
But more than these, she finds her character sexy because “she’s a very strong personality, outgoing siya and alam niya kung ano ang gusto niya.”
DINUMOG NANG husto ang show ng Kapamil-ya stars sa Ayala Center Cebu.
Sabi ni Harold Geronimo na isang lifestyle columnist sa kanyang Twitter account, mas maraming nagkagulo at nanood ng palabas featuring the ABS-CBN celebrities kaysa sa Kapuso stars.
“Yesterday’s Kapuso show in Ayala Center Cebu, it was close to 1,000 people. Tonight, the venue was filled 10x – w/ Kapamilya stars,” tweet ni Harold na personally ay na-witness ang pagkakaiba ng dalawang network.
But the comparison did not end there.
Harold informed his followers na malaki rin ang pagkakaiba ng accommodation ng dalawang network when it comes to their celebrities.
“Ok this is awkward – celebrities in PR 866 flight to Manila. ABS-CBN stars in business class and GMA stars in economy,” he said.
So, it appears na nagtipid ang number two network sa kanilang artista na umapir sa Sinulog festival, hindi ba?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas