NAGING EMOTIONAL ULI si Gerald Anderson nang mag-guest ito sa The Buzz last Sunday. Napaiyak na naman ang binata nang maging sentro si Kim Chiu ng pag-uusap nila ni KC Concepcion. Marami ang nag-react nang umiyak at nag-walk-out ang aktor sa presscon ng kanilang pelikulang ‘Till My Heartaches End ng Star Cinema. Iba’t ibang reaction, may naawa, may nagsasabing gumigimik lang ito para pag-usapan ang pelikula.
“I feel stronger now kasi in the last few months marami kaming pinagdaanan ni Kim. Maraming nangyari, maraming nadadamay. ‘Yung presscon, sinabi ko lang kung ano ‘yung nararamdaman ko and I think my emotion to cover me, pero hindi ko pinagsisihan ‘yun. Alam ng maraming tao kung ano ‘yung sitwasyon namin ngayon and sana kahit papaano maitindihan nila kami,” seryosong sabi ni Gerald.
Kung minsan nahihirapan si Gerald na sabihin sa entertainment press kung ano talaga ang nararamdaman niya. “Biglaan, it just happened, tinanong lang ako ng isang tanong. I just want to answer in straight face but seeing Kim next to me, ‘yung mga fans nandoon, it took over me…”
Tunay na dahilan kung bakit biglang napaluha si Gerald sa presscon ng kanilang pelikula? “‘Yung mga issue tungkol sa amin, about me and Kim na hindi kami okey. Tapos, I did my best, ginawa ko ang lahat, nag-extra effort… kasi kaya ko namang talikuran ang lahat. I can go back to Gensan (General Santos), puwede uli akong mag-aral sa States. Ang hindi ko kaya ay maging magkaaway kami ni Kim. Kasi sa Twitter parang nakita niya, du’n kami nagkakilala sa loob ng bahay ni Kuya. Hindi soap ‘yun, lahat ng nakita nila sa PBB totoo ‘yan. Even after nang lahat ng ‘yun… siya ‘yung partner in crime ko na lagi kong kasama. Basta kaya kong talikuran ang lahat pero ‘yun ang hindi ko kaya, na magkaaway kami ni Kim.”
Hindi natin alam, masyado palang dinibdib ni Gerald ang mga intrigang ibinabato sa kanya. Hindi mawala sa isipan si Kim, palagi niya itong naaalala… “Ilang beses akong pumupunta sa taping, hindi ako nakakatulog sa gabi dahil sa kakaisip. It’s the right decision dahil marami ngang nadadamay, pamilya ko, ibang artista, si Kim. Kung puwede lang akong maging Superman para sa lahat, para protektahan ang lahat, gagawin ko. Kaso hindi, eh! I can give a peace of everyone who’s hurt of this issue, gagawin ko.”
Sinabi ni Gerald na tao lang siya, nagkakamali at nasasaktan. “Of course, I believe God gave this talent. I’m here, he gave me this position for a greater purpose. Hindi ako perfect na tao, I want to be my best pa sa lahat, no one is perfect! And I just hope ‘yung mga fans maiintindihan nila ‘yun.”
Sa pangyayaring ito sa buhay ni Gerald, maraming nasangkot, ang mga fans, pamilya, kaibigan at si Kim. Anong lesson ang natutunan niya sa controversial issue na ito? “First of all, gusto kong i-clarify na it’s really unfair sa mga Kimerald, ‘yung mga nag-support sa amin, na nadadamay rin sila sa mga issue. ‘Yung mga death threat, sinasabi nilang galing sa Kimerald, ako po hindi ako naniniwala, kasi kilala ko sila, mga kaibigan ko sila, kami ni Kim. Minsan kasama namin sila sa pack-up, taping nand’yan pa rin sila. Alam ko kung sino po ‘yung nagmamahal sa amin, Kimerald ‘yun. Hindi ko alam kung paano ko maibibalik ‘yung lahat ng supportang ibinigay nila sa amin kaya kami ni Kim we give all sa lahat ng project na ginagawa namin.”
Ilang beses nang itinanggi ni Gerald na walang namamagitan sa kanila ni Bea Alonzo pero hanggang ngayon patuloy pa rin silang inuugnay sa isa’t isa. “Nakakahiya, nadadamay ang pamilya ko, ibang artista, hindi na po tama kaya I’m here today (The Buzz). I just want to say, I’m sorry. Sa mga nangdadamay kay Bea, you don’t deserve this, sorry! Problema ko ito, may nadadamay, hindi na po tama.”
Reaction ni Gerald sa pagtatanggol ni Kim kay Bea? “Ganu’n si Kim sobrang bait niya, isa siyang totoong tao. Kung sino ‘yung Kim na kilala ko sa bahay ni Kuya through this day, ganu’n pa rin siya.”
Ayon kay KC, malaki raw ang naitulong ni Direk Joey Reyes sa pagbabati ng dalawa. “I just want to say, thank you sa Star Cinema, kay Direk Joey Reyes kasi dahil sa movie na ito naging okey kami ni Kim. Kung ano ‘yung dala-dala namin, nailabas namin sa movie ‘yung mga eksena… Naging okey kami dahil napag-usapan namin sa movie na ito. It’s also my way to say, sorry to Kim. Ako lang yata ang action star na iyakin,” nagbibirong turan ni Gerald pero panay pa rin ang patak ng luha sa kanyang mga mata.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield