Masayang ibinahagi ni Gerald Anderson sa amin ang mga natutunan niya habang ginagawa ang pelikulang “Always Be My Maybe” na pinagbibidahan nila ni Arci Muñoz na showing na sa Feb. 24.
“Isa sa natutunan ko is ‘yung huwag kayong pumasok sa isang relationship kung hindi talaga kayo ready, because ‘yung feelings ng ibang tao, sobrang importante talaga. And do’n mo malalaman ‘pag wala na. Mas masakit talaga.
“Realizing your faults, ‘yung shortcomings mo and try to do your best next time. Kasi ‘pag hindi kayo handa, mahirap ‘yan para sa ‘yo at para sa partner mo. Mawawalan din siya,” kuwento ng aktor.
Ayon pa kay Gerald Anderson, pakiramdam niya raw ay nagre-retreat siya habang ginagawa ang “Always Be My Maybe”.
“Feeling ko nga, hindi movie itong ginawa namin, eh. Parang naging retreat para sa akin. Alam mo ‘yung parang, ‘Wow, ‘yung una dini-denay ko pa na hindi, hindi naman ako yung ganu’n kalala. Hindi, hindi naman ako ‘yon.’
“Pero habang sini-shoot namin, ginagawa namin ‘yung mga eksena, parang gusto kong kausapin ‘yung mga writers at itanong na ako ba ‘yung peg n’yo rito? Hahaha!
“But yeah! Sobrang amazing experience, ang dami kong… Lagi kong sinasabi sa mga ginawa kong movies na ang dami kong natututunan, but dito sa movie (Always Be My Maybe), ito ‘yung life changing,” pahayag pa niya.
Ang “Always Be My Maybe” ay sa direksyon ni Dan Villegas. Kasama rin sa pelikula sina Jane Oineza, Kakai Bautista, at Ahron Villena.
La Boka
by Leo Bukas