NAGULAT KAMI sa chikang tinanggihan daw ni Iwa Moto na makipag-kissing scene with Gerald Anderson sa first indie film nitong El Brujo (kung hindi kami nagkakamali’y “the sorcerer” ang English translation nito), directed by the controversial Tikoy Aguiluz, kasama rin si Jake Cuenca.
Ang say ng isang malapit kay Iwa nang makachikahan namin one time, sa sexy actress nga raw unang in-offer ang supposedly eh, leading lady o female lead role sa nasabing action-drama flick, pero hindi raw kaya ni Iwa ang kissing scene, or maaaring love scene, kung nire-require man sa script.
It has something to do raw na hindi pa kumportable si Iwa sa mga ganitong sexy o sensitive scenes sa movie, komo wala pa nga siyang nagagawang full length film na siya ang lead, kundi puro TV shows ang nilabasan niya noong nasa GMA pa lang siya.
Ngayong nag-expire na ang contract niya noong March 2012 bilang Kapuso, ang kinuha naman niyang manager ay si Omar Sortijas, galing rin sa Siyete noon at ngayo’y Executive Producer na ng TV5 shows like Juicy.
Para tanggihan ang isang Gerald Anderson na makapiling sa isang mainit na eksena, para sa iba ay malaking panghihinayang ito. Dahil hindi naman “starlet” o “trying hard” si Gerald, kundi certified sikat na matinee idol, and kahit na nga si Jake siguro, maraming aktres ang papayag to do such scene.
Hindi lang sure ang aming source kung ito ay kissing scene o may love scene mismo, basta ang sabi’y sensitive ang eksena na hindi pa umano kayang gawin ni Iwa for the big screen.
Ending, pinalitan siya ni Bangs Garcia at kasalukuyan na silang nagsi-shooting ng El Brujo. As for Iwa, respetuhin na lang natin ito kung ‘di pa nga siya handa, maybe soon ay “carry” na niya. May nagbulong din sa aming hindi rin “feel” ng butihing ina ni Iwa ang such scenes for her daughter – as of now.
Pero in print, walang kiyeme sa pictorial si Iwa. In fact, daring yet “malinis” ang suggestive nude photo shoot niyang nakita namin, na maiden issue ng bagong men’s magazine.
Classy naman, in fairness… covered ang mga dapat na i-cover pero mahusay ang execution ng pose ni Iwa.
“Okey lang magpa-sexy siya sa pictorials or magazine dahil siguro hindi ito gumagalaw, ‘wag lang muna sa movies. Siguro, in due time,” sabi ng kausap namin.
SA OPENING ng Manang’s Chicken along Visayas Avenue, QC (loob ng Wilcom Center Mall), in behalf of her mom Helen Gamboa, ang anak nitong si Apples Sotto ang nag-ribbon cut ng newest branch ng sinasabing “Bagong Fried Chicken ng Pinoy”.
Hindi kasi “nakatakas” sa taping ng Walang Hanggan si Ms Helen, kaya ang anak na lang ang dumalo.
Nai-chika sa press ni Apples, ngayong nagkaayos na ang Mama Helen niya at ang megastar Sharon Cuneta sa issue ng dalawa eh, hindi pa nagkakasalubong ang landas ng mga ito.
“I can picture it already,” sabi ni Apples. “My Mama will cry ‘coz she’s super emotional and she super missed ate. Tapos, si Ate naman, may pagka-comedian. Lilibangin niya si Mommy para ‘wag mag-cry.”
NGAYONG GABI, June 29 (Friday), 730pm ay may special tribute para sa namayapang direktor na si Mario O’Hara, sa himlayan nito sa Magallanes Village Memorial Chapel 2 sa Makati City.
Sa pasimuno ng matalik nitong kaibigan na si Direk Frank Rivera, imbitado ang ilan pang mga malalapit na kaibigan ng yumaong direktor para sa nasabing tribute.
Pinakaapektado noong unang na-balita ang pagkasawi ni Direk Mario ay walang iba kundi si Nora Aunor.
In fact, halos mawalan ito ng boses sa kakaiyak noong umagang ‘yun. Inalalayan siya nang husto ng personal manager niyang si Boy Palma. Dumalaw pa man din nang dalawang beses si Ate Guy habang nasa ospital si Direk Mario, without fun fare.
Ilang mga award-winning films ang pinagsamahan nila tulad ng Bulaklak sa City Jail, Condemned, Tatlong Taong Walang Diyos, etc. We will surely miss a gem of Philippine Cinema… Paalam, Direk Mario!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro