ISA UMANONG NAGMAMAKTOL na Kris Aquino ang wari’y nagsumbong sa common make-up artist nila ni Lolit Solis, kung bakit kinalkal pa ng huli ang mga nakaraang relasyon ng TV host-actress sa gitna ng kontrobersiyang kinapapalooban nila ng asawang si James Yap.
Common to Kris and ‘Nay Lolit is Bambi Fuentes whose salon along Timog Avenue is almost synonymous with showbiz. Sa nasabing parlor na ‘yon kung saan given 365 days a year ay nagtatagpo sina Kris at ‘Nay Lolit once in a blue moon, or at least in recent astronomical phenomenon ay isang beses tuwing sasapit ang partial solar eclipse.
Urot daw ni Kris kay Bambi: “I know naman that she (Lolit) is not supporting my brother Noynoy, but Manny Villar.”
PRESSED FOR CONFIRMATION as to their real score, napaamin din si Gerald Anderson na may MU (mutual understanding) na namamagitan sa kanila ni Kim Chiu.
Sa presscon ng Star Cinema’s Paano Na Kaya?, hindi tinantanan ni Aster Amoyo sina “Kimerald” nang maispatan niya ang mga ito doing their Christmas shopping last year sa Global City. When sighted, the two distanced themselves from each other.
Cornered, inamin na rin ni Gerald na higit pa sa workmates o good friends ang relasyon nila ni Kim. For her part, inamin ni Kim na isa si Gerald sa mga taong nagpapasaya sa kanya. But the good news is that higit na matutuwa ang kanilang mga tagahanga via Star Cinema’s opening salvo for 2010.
IBINIDA NI EDU Manzano sa Isang Tanong, ang vice presidential forum aired last Sunday, ang kanyang background as a systems engineer. Malaki raw ang maitutulong ng kanyang malawak na kaalaman sa math, science at technology kung siya’y papalarin sa puwestong tina-target.
Kaso, all he mouthed bore no specific agenda, walang konkretong plataporma in addressing the real issues and concerns ng bayan.
Came the vice presidentiables’ last chance to shine, kung saan isa-isang tinawag upang sumagot ng common question that was: tumatakbo silang Bise-Pangulo, bakit hindi pa pagka-Presidente?
Ni-rewind lang ng dating OMB Chairman ang kanyang ipinagmamalaking background, malayung-malayo ang sagot sa tanong. Nagsilbi sanang eye-opener ‘yon sa maraming nakapanood ng forum na ‘yon who to pick as VP.
At hindi si Edu ‘yon, sorry.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III