Gerald, Nash, Jerome, Yves at Elmo sumailalim sa scout ranger training

Gerald Anderson

PANSAMANTALANG iniwan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona ang pagiging actor at sumailalim sa Soldier Skills Orientation Training in Camp Tecson, Bulacan noong nakaraang linggo.

Boluntaryo silang sumabak sa tatlong araw na training na sumubok hindi lang sa kanilang pisikal na lakas kundi pati na rin sa kanilang mental at emosyonal na kakayanan.

Ibinahagi ni Gerald, team’s company commander, “We knew if we graduated, we would have the privilege of being in the Philippine army reservist. Alam namin na after nito, this would also help us portray Philippine scout ranger in our TV series – A Soldiers Heart.”

Isang video naman mula sa Marawi siege ang nagtulak  kay Nash upang subukan ang  training kahit siya ang pinakabata sa grupo nila.

Sabi pa ni Nash “Parang World War II sa Marawi habang nandito kami sa Manila, clueless of what was really happening in our country. Isa ‘yun sa mga naging motivation. Sa maliit na paraan maipakita ko yung suporta at pagmamahal sa bansa natin.”

Sumailalim sila sa iba’t ibang lectures, drills at simulations para maranasan ang buhay ng isang sundalo.

Naging matapang man sa mga pinagdaanan, nagkaroon din sila ng pagdadalawang isip habang sumasailalim sa matitinding training.

“Ilang beses ko na gusto mag quit to the point na tumakas ako nung first night para lang makatulog at makatawag na gusto ko na umuwi kasi feeling ko hindi ko kaya, dahil unang-una di naman ako physically active na mahilig mag-gym or tumakbo,”  pag-amin ni Nash.

Ngunit na-realize niya na ang training na binigay sa kanila ay hindi lang para sa pisikal na kakayanan kundi pati na rin sa kanilang mentalidad.

“Sabi nga nila lagi sa ‘kin ‘positive thinking’ seeing the good side in every shitty (minsan literal) situation you are in. Yung training tatanggalin nila lahat ng civilian ways mo —  pride, kaartehan, ego etc.,  tapos ibi-build ka ulit to be a better person,” dagdag pa ni Nash.

Sa huli, marami mang mahirap na pinagdaanan ang mga actor sila’y nakapagtapos at nagbigay ng bagong perspektibo sa buhay bilang mamamayang Pilipino.

 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleHINDI LANG DRAMA KING: Dennis Trillo, magpapatawa sa ‘Mina-Anud’
Next articleKorina Sanchez at Ate Girl ng ‘Showtime’ milagrosa ang ganda dahil sa K Magic

No posts to display