Napabilib kami sa husay ng pagganap ng singer/ theater actor at ngayon ay bidang -bida na sa pelikulang “Memory Channel” na si Gerald Santos nang mapanood namin ito sa mismong premiere night ng nasabing pelikula sa Cinema 6 ng SM Megamall last June 30.
Role ni Gerald ang isang dating sikat na sikat na singer na si Leo Dela Torre na nagkaroon ng retrograde amnesia na nagti-trigger ng anxiety/panic attack.
Kabituin ni Gerald Santos sa nasabing pelikula ang isa pang mahusay na aktor na si Epi Quizon, na ayon kay Gerald ay very generous sa pagtuturo at pagga-guide sa kanya sa tamang pag-arte. Marami nga raw itong natutunan pagdating sa pag-arte kay Epi.
Kasama rin sa nasabing pelikula ang magandang ABS-CBN star na si Michelle Vito.
Ang “Memory Channel” ay mula sa mahusay na direktor na si Raynier Brizuela at entry sa ginaganap na World Premiere Film Festival na nagsimula noong June 29 at magtatapos sa July 10, 2016.
Bukod sa “Memory Channel”, kasama rin si Gerald sa pelikulang “Emilio Jacinto: Utak ng Katipunan” na produce ng National Historical Commission.
John’s Point
by John Fontanilla