OLA CHIKKA again and again to the maximun authority of chikka!
Matapos tanghaling Male Pop Artist ng Star Awards for Music at Best Male Concert Performer ng ALIW Awards noong 2011, muling nagbabalik sa concert scene ang tinaguriang Prince of Ballad na si Gerald Santos. Gaganapin sa Music Museum sa April 30, ito ang pinakamalaking concert ni Gerald na magtatampok sa kakaibang husay niya sa pagkanta at pagpe-perform nang live!
Matatandaang noong isang taon ay inilabas ni Gerald ang kanyang 3rd album na Gerald Santos The Prince of Ballad, isang OPM revival collection na naglalaman ng mga awit na sumikat noong 80’s at 90’s.
The Prince Of Ballad Soaring High ang titulo ng concert at makaksama niya rito ang seksing-seksi na si Rufa Mae Quinto, ang kuwelang-kuwela na si Arnell Ignacio at ang San Diego California’s finest balladeer na si Joel Mendoza. Tampok din ang dalawang baguhang performers na sina Raymund Manuel at Sofia Halabi at ang Dance Squad Dancers. Ito ay sa musical direction ni Elmer Blancaflor na siyang gumawa rin ng areglo ng carrier single niya sa bagong album na “Maghintay Ka Lamang” at sa kabuuang direksyon ni Cocoy Ramilo.
Puspusan ang ginagawang paghahanda ni Gerald para sa concert na ito na magpapakita ng mas mature at mas inspired na performance mula kay Gerald. Maraming sorpresa rin ang inihahanda ni Gerald para sa concert na ito na siguradong gugulat sa mga manonood. Hindi rin mawawala ang pamoso at mahusay na impersonation ni Gerald. Sa concert na ito, hindi lang mga sikat na local singers ang gagayahin Gerald kundi ilan ding mga sikat na international artists!
Inaasahang magbubukas pa ng mas maraming oportunidad ang concert na ito para kay Gerald Santos na handang-handa nang lumipad ngayong 2013.
Medyo kambyo naman tayo sa pagpuri sa isa sa mga hinahangaan kong singer-performer na sabi ko nga kung maganda ang packaging ng batang ito, I guess, lilikha na ito ng magandang pangitain. Kasi ba naman, mula nu’ng manalo siya sa Pinoy Pop Superstar as champion, hindi ito inalagaan ng Channel 7, bagkos nagkaroon ng hindi magandang intriga. Buti pa si Kuya Germs, naawa rito kay Gerald kaya ginawa siyang regular sa Walang Tulugan at may sariling segment si Gerald. Kaya lang hindi naman nagtagal, kasi kinuha siya ng Channel 5, at hanggang ngayon nasa Go5 pa rin siya, pero hindi naman binibigyan ng magandang project itong si Gerald.
Sabi ko nga sa kanyang manager na si Cocoy Ramilo, bakit hindi mo dalhin sa Channel 2, nandoon ang kanyang kapalaran kung mapupunta ito sa Dos. Sabi nga niya sa akin, sana Tita, may access ka sa Dos or patulong tayo kay Boy Abunda or Star Records.
Kaya calling the attention of Channel 2, ‘wag n’yong sayangin ang pagkakataon ng bata. Kasi para sa akin, ngayong 2013,isa siya sa aangat ang career ‘pag naalagaan ng Dos. Mismo!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding