Kumusta na nga kaya si Gerald Santos na tinaguriang “Prince of Ballads”?
The last time I heard, nag-audition siya for Miss Saigon. Based sa press releases na naglabasan (I just don’t know kung official or opinyon lang ng ilan), wala na kaming nababasa tungkol sa audition na ginawa ni Gerald sa grupo ng Miss Saigon na nagpa-audition ng Pinoy singers and dancers early this year.
Sa pagkakaalam ko, may ilang Pinoy na (I don’t know kung ka-batch sila ni Gerald during the audition) nasa London na at ang binata ay nandirito pa rin.
Kamakailan, napansin ang galing ni Gerald ng art critic na si Ibarra Mateo, na for sure, kung regular ballet or stageplays patron ka, malamang, Ibarra will be a familiar face sa inyo.
Sa Messenger chat namin ni Ibarra, puring-puri niya si Gerald na recently ay napili siya as official representative ng Philippines to represent sa Saarang Festival in January 2017 na isa sa malalaking festival sa India.
Napanood pala ng kritiko ang performance ng singer-stage actor sa huling production ng Bulwagang Gantimpala Foundation.
Ayon sa private message ng kanyang manager na si Cocoy Ramilo sa amin sa FB Messenger: “Nakaantabay po kami sa update ng Miss Saigon; baka po kasi papuntahin agad nila si Gerald sa London para ma-meet ni Mackintosh po, yung producer. On March, may major concert naman siya sa Kia Theater. If ever po ay sa April (2017) na ang alis niya for Miss Saigon.”
Ang event sa India ay magaganap sa January 8.
Good luck, Gerald and Cocoy!
Reyted K
By RK VillaCorta