AMINADO ANG TV host-actor na si John Estrada na nalungkot din siya nang mamaalam na sa ere ang Wowowee. Alam naman ng lahat na isa siya sa malalapit na kaibigan ni Willie Revillame. “Pana-panahon lang naman ‘yan,” ani pa ni John.
Sabi pa raw ni Willie kay John nang makausap niya ang controversial TV host, may panahon na ito ngayong makapamasyal at makapag-relax nang husto. “Lalo na, ‘di ba may sakit siya sa puso? Sabi ko rin sa kanya, alagaan niya muna ang sarili niya. Mamasyal muna siya,” banggit pa ni John.
Nabanggit din ng isa sa main hosts ng Party on 5 (PO5) ng Kapatid network na may show pa rin namang gagawin si Willie sa ABS-CBN. Tumango lang si John nang maitanong sa kanya kung ito ba ‘yung nababalitang once-a-week na programa.
Ikinagulat naman ni John nang maitanong sa kanya ang isyu tungkol sa kanila ni Bing Loyzaga. “Hindi ko alam ‘yan,” diin ng TV host-actor. At hindi raw siya talaga aware na may ganoong isyu.
AND SPEAKING OF PO5, we’d like to commend Jay Durias, their musical director, for the wonderful mix of 60s, 70s, 80s, and 90s music in last Sunday’s episode. Nag-enjoy kami nang husto singing along sa medley ng greatest hits ng British super group na Queen. At nakumpleto ang Sunday namin dahil sa husay ng arrangement ng mga songs ng Fab Four – ang the Beatles. The additional horn section is simply superb. Super fan kami ng Beatles, kaya lagi kaming critical when it comes to covering their songs. And again, Jay, you did a good job.
Maganda rin ang presentation nina Carmin Martin, Roderick Paulate, at Amy Perez. ‘Kapatid’ na sina Kuya Dick at Carmi. And of course, the ‘Hot 5’ performance na patok sa mga barako. The show is already on their way to give other Sunday musical variety shows a run for their money and a really stiff competition.
Last Sunday din ay ini-launch sa PO5 ang ‘Tutok Sabay Txt (TST)’ promo ng TV5. Para makasali, kailangan lang tutukan ang mga shows ng Kapatid network, kung saan ipa-flash ang mga trivia questions na dapat nilang sagutin. Araw-araw ay may winners. Ang weekly winner naman ang tatawagan para magkaroon ng chance to win up to P5-M!
Talaga namang patuloy na pinalalakas ni MVP ang TV5 with more exciting shows and prizes!
HINARANG DAW NG isang maimpluwensiyang tao ang pag-arangkada ng career ng ni Gerald Santos. Ilang proyekto raw ng singer ang hindi natuloy dahil sa taong ito. Ang dahilan: Hindi natuloy ang gustong mangyari ng influential person kay Gerald – na inihain nila sa pamunuan ng GMA netwok na sexual harassment.
Pero up to this day, clueless daw sina Gerald at Doc Rommel, ang kanyang manager, kung ano ang naging desisyon ng Kapuso network sa kanilang reklamo. “Wala na rin ‘yung tao sa istasyon. Hindi namin alam kung tinanggal o nag-resign siya,” banggit ni Gerald.
Actually, matagal nang nangyari ang sexual attempts ng nasabing tao kay Gerald. Kaya lang naungkat ay dahil biglang-bigla ay ini-release daw sila ng GMA sa kontrata nila rito. “Nu’ng una kasi, kami ang makulit talaga. Pero hindi kami pinagbigyan. May mga naka-line-up daw na projects para sa akin. Pero wala naman silang naibigay. Kaya nagtataka kami ngayon kung bakit biglang-bigla e, ni-release na kami. Kung may kinalaman ba ‘yung reklamo namin?” kuwento pa ni Gerald.
Anyway, happy naman ang young singer na nasa TV5 na siya ngayon. Last Sunday ay nakasama na siya sa ‘Birit Extreme’ at mapapanood na rin si Gerald sa Locomoco University.
For comments, e-mail [email protected].
Bore Me
by Erik Borromeo