NAGKITA KAMI ni Luis Fernando sa Lopez Museum. Nataon ang sinadya kong puntahan doon ay ang kaibigan kong si Nunelucio Alvarado, upang doon ay makunan ko ng mga pahayag tungkol sa kanyang pagiging guest speaker sa isang art forum sa nasabing museum. Doon ko nakilala si Luis Fernando.
“Ako po si Louie Fernando, ang pangalan ko po sa Facebook ay German Luis Fernando III. Mga pictures doon hindi mukha ko lang, kasi may mga kaibigan ako na artists na promising din. So, doon sa halip na katulad ng ibang artist na naninira po, doon ay bini-build-up ko po ang mga artists. Pino-post ko po ang kanilang mga obra sa aking page. Para sa akin, kung ano ‘yung tagumpay nila ay malaman nilang tagumpay nga.”
Ayon kay Louie, kahit sa panahon na kumukuha pa siya ng Fine Arts ay medyo kalat pa ang kanyang utak, dahil gusto niyang kumuha ng iba’t ibang expression ng arte. Noon, lagi siyang nag-i-istambay sa UP College of Music at sa BroadComm kaya nang kalaunan ay naging voice talent na rin siya.
“Minsan sa isang production, gusto ko ring kumanta. So, isang summer, ‘yung mga pagkakataon na nakapag-aral ako ng private voice lessons sa isang professor sa College of Music para makamura raw siya upang matuto ng propesyonal na pag-awit.”
Kaya roon natupad ang aniya sa kanyang mga gusto sa iba’t ibang klaseng expression. Nitong nakaraang taon, natigil siya sa pagpipinta at pagsali sa mga exhibitions, dahil na-invite siya sa Andres Bonifacio Theater Choir ni Maestro Jerry Dayap.
So, mas, nalilinya ka roon sa voice acting o theater?
“Thank God for the opportunity of expressing myself in the visual arts, musical theater, indie film, and music,” German Luis Fernando III.”
So, anong pananaw mo sa ibang artista rin ‘pag pinasok ka ng problema, siyempre lahat ng pinapasok na ‘yan may mga problemang napagdaraanan, anong masasabi mo sa kanila?
“Ah, ‘yang problema, hindi po naman nawawala sa arts ‘yang paninira, ang pagiging artists, eh. Parang showbiz nga raw, maintriga. Natutuwa naman po ako na may mga kaibigan ako na hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa rin. Sila nga ang nagtutulak sa akin na ‘wag kong pansinin ‘yung mga naririnig ko o nalalaman na hindi maganda. Kasi hindi ‘yun malusog at hindi makatutulong sa pag-unlad mo bilang artist.
“Kaya gawin mo na lang ‘yung dapat mong gawin, practice ka nang practice, sali ka nang sali sa mga contest, mga on the spot. May isa po akong grupo, nagla-live painting po kami sa Ayala Museum. Last time, there was an opening of an indie film looking for a kontrabida, so hinahanap ‘yung edad ko, 50 pataas. So, sabi magiging gangster boss, so nag-audition ako, tapos nakatutuwa, kasi pag-audition ko natanggap naman ako.”
Iyong theater play ninyo ba ay in English or in Tagalog?
“Ah, Tagalog po. Kase, hindi naman po ako sanay managalog, kasi Cebuano po ang primary dialect ko. Kaya sa Andres Bonifacio, malaking hamon sa akin ‘yon na umarte at magsalita nang Tagalog.”
Ano naman ang mga karanasan mo sa mundo ng sining?
“Minsan nararamdaman ko ‘yan sa isang kaibigan, parang minsan sakim. Minsan nagagawa pa rin niyang siraan ako. Ako, sa entablado, naranasan ko rin ‘yun. Kasi nga bago pa lang ako noon, hindi talaga maiiwasan na mayroon isang datihan na doon na nagkakaroon ng jealousy. Parang hindi maiwasan na i-criticize ka at i-discimate ang acting mo,” ayon pa sa pagbibida pa ni Luis Fernando.
Sa ngayon ay miyembro din si Louie ng Agos Kulay Maynila (Watercolor Society of Manila) na nagsasama-sama sa Ayala Museum para sa kanilang watercolor portrait session.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected]; Cp.No. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia