NAGSALITA NA si German Moreno na hindi sinasadya ng alaga niyang si Jake Vargas na mambastos sa promo nina Bea Binene at Ken Chan.
Ayon sa Master Showman na nakausap namin Tuesday night sa birthday concert ni Michael Pangilnan sa Zirkoh, kung ‘andito lang sana siya sa Pilipinas (he was in the USA for almost two weeks for the Gawad Amerika), hindi sana naganap ang sinasabing pambabastos ni Jake sa isa pa niyang alaga na si Ken during Bea’s music CD promo, kung saan sumulpot si Jake at kumanta pa sa live audience gayong promo ‘yun ng Bea-Ken duet na nakapaloob sa CD ng dalagita.
“I was not here, dapat nakausap ako ng organizer ng show dahil hindi ko papayagan ‘yong nangyari. Hindi sinasadya ‘yun ni Jake. Hindi niya alam ‘yong ganu’n at wala sa isip niya na mambastos,” paliwanang ni Kuya Germs sa amin.
Pero sa show niya na Walang Tulugan With The Master Showman, nag-usap na sila nina Jake at Ken.
Sa katunayan, balita mula sa star builder ay plano niyang kausapin ang pamunuan ng PolyEast Records na siyang nagpa-mall show for Bea dahil maraming hindi nasunod sa napag-usapan tulad na lang na dapat guest lang si Ken (with a duet with Bea) sa music CD, pero kamuka’t muka’t niya more than the agreed duet ang nakapaloob sa naturang CD ni Bea.
Habang sinusulat namin ito, hindi pa nagpapaliwanag ang Poly East Records sa naging unexpected presence ni Jake sa promo tour nina Bea at Ken and at the same time ang agreed number of songs ni Ken sa CD ni Bea na hindi naman ‘yun napag-usapan.
SPEAKING OF Ken Chan, tomorrow, sila naman ni Joyce Ching ang magkasama sa Maynila where he plays a young guy with amnesia in the episode dubbed “Heart of Trust”.
One nice thing with Ken (we saw him perform in Bad Boy, Good Heart) na oks naman sa amin ang easy acting ng binata.
Previously he was paired with Krystal Reyes and Kim Rodriguez.
With his Maynila exposure for almost a month, nasanay na siyang umarte sa iba’t ibang mga karakter na ibinigay sa kanya.
In the near future, we hope to see Ken with better projects na for sure ikatutuwa ng mga fans niya. Goodluck Chen.
ISA KAMI sa mga natuwa nang manalo bilang 27th PMPC Star Awards for TV Best Supporting Actor ang anak-anakan naming si Arjo Atayde for his performance in Dugong Buhay.
In a span of less than two years, naka-dalawa na si Arjo (acting awards) at kahit papaano, pinatunayan niya sa sarili that he can act at hindi lang siya anak ng magaling na artista na si Sylvia Sachez.
Sa pagkapanalo niya , imbis na mag-blow-out sa mga kaibigan, bumili siya ng puppy na pinangalanan niyang si Booger na alagang-alaga ni Arjo na parang baby na naka-diaper pa, huh!
Sa ngayon, chillax muna si Arjo at ini-enjoy niya ang “high” na natamo ng kanyang pagkapanalo.
Dahil sa magandang nangyayari sa kanyang career (after Dugong Buhay and another acting award), excited si Arjo sa bagong project na gagawin niya any time before the end of 2013.
FOR A week, we have experienced three different performances from the Philippine Stagers Foundation (PSF) headed by Atty. Vince Tañada, a writer, director and composer watching his productions of Pedro Calungsod D’ Muziiikkaall (at St. Scholastica’s College); Bonifacio, Isang Sarsuwela (at Tanghalang Pasigueño) and some fabulous excerpts from Broadway musicals like Rent, New World, Man of Ages and Les Miserable (in a private event at Taal Vista Hotel).
Ang galing nila. They’re real performers na hindi mo matatawaran ang artistry. The PSF actors are trained in dance, music, voice and acting kaya impressive sila sa makapanonood ng performances nila.
Kudos to Vince who’s an artist by heart sa panimula niya turuan ang mga aspiring performer (PSF holds summer workshops regularly) to reach their dreams to be real actors, singers and dancers. Mabuhay!
Reyted K
By RK VillaCorta