OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo sa mga pasa-bog!
Hay, hay, hay… ano ba ito? Kaloka, as in! Kasi nga naman, labanan na ito ng mga artista sa pulitika. Kasi nga, matagal pa naman ang eleksiyon, pero kasado na ang ibang kakandidato, at parehong artista ang maglalaban-laban sa parehas na posisyon. Ano ba ‘yan?
Unang nagpahayag ay itong si Philip Salvador na babanggain niya sa Bulacan Vice-Gov. Daniel Fernando. Nakausap ko si Vice-Gov. Daniel kamakailan, at okay lang naman sana. Kaya lang, sana raw ay nagpasintabi man lang si Philip o nagkausap sila nang personal para magbigayan kung sino talaga ang nararapat.
Kasi marami na ang naglalabasan na bakit daw kakandidato si Ipe, na dapat sa Mandaluyong ito kumandidato. Na-lots in space ito noong kumandidatong vice-mayor ng Mandaluyong, ngayon naman sa Bulacan. Taga-saan ba talaga si Philip? ‘Yan ang tanong ng nakararaming mga taga-Bulacan.
Sa Manila naman, pilit na pinagsasabong na nina Mayor Lim at dating presidente Erap sina Vice-Mayor Isko Moreno at Cesar Montano na dating kumandidatong governor ng Bohol, ayun nagkabuhol-buhol sa talo. Ngayon naman, Manila ang target niya, kasi wala raw makuha si Mayor Lim na itatapat kay Vice Isko na may laban.
Sa bagay, alam kong matagal nang naninirahan dati si Cesar sa Manila, at alam kong may kakayahan din siya. Kaya lang, sabi raw ni Vice Isko, dapat maging scholar muna ng foundation niya si Cesar bago siya kalabanin.
Naaalala ko pa noon nang parehas pa sila ni Cita Astals kung libakin itong si Isko na walang alam at hindi marunong mag-English. Ngayon siya naman ang nanlilibak. Grabe, ‘di ba?
At ito ang pinakabago sa lahat, dahil umurong na si Vic Sotto na kumandidato bilang mayor ng Quezon City, bulung-bulungan na kakalabanin daw ni German ‘Kuya Germs’ Moreno si Herbert ‘Bistek’ Bautista bilang mayor ng Q.C., kasi nga may tampo raw ito kay Bistek.
Sa bagay, sa track record ni Kuya Germs, may kakayahan itong mamuno ng lungsod. Mas pabor ako sa kanya kaysa kay Bistek. Kasi si Kuya Germs, madaling hanapin at lapitan, kasi may puso. ‘Yang si Bistek na dati ko na silang naging alaga na tatlong magkakapatid noong nabubuhay pa si Kuya Ike Lozada, pinagbilin niya ito sa akin, bago pa siya nagtungo sa Hawaii nu’ng kapanahunan ni Marcos. Kaya kami ni Mommy Baby (RIP) nu’ng nabubuhay pa, laging may communication. Ngayon, nawala na ‘yan, kasi mahirap na silang lapitan, at marami ka pang dadaanan bago mo marating at makausap si Bistek.
Kaya kung pagbabasehan kung sino ang dapat itapat kay Bistek, malaki ang tiyansa ni Kuya Germs, at matutupad na ang kanyang pangarap na maging City of Stars ang Quezon City, at mapapalitan na ang ‘tarpaulin city’. Baka ang Quezon Memorial Circle ay maging Wonderland. O, ‘di ba, bongga?!
At marami pa ang naghahangad ng mataas na posisyon, kahit wala pa silang napapatunayan. Isa na rito si Aga Muhlach na nag-aambisyon na maging congressman ng isang lugar sa Bicol.
Utang na loob! Sabi ng aking mga kababayan, taga-Bicol ba si Aga? Kasi naudyukan lang daw ng kaibigan niyang gobernador, ayon tatakbo na. Dati nagpahayag ito na wala siyang balak pumasok sa pulitika.
Dito naman sa Batangas, kamakailan nu’ng na-invite ako nang magaling na Gov. Vilma Santos-Recto, bulung-bulungan na tatakbo rin si Christopher de Leon bilang congressman, na dating tinalo ni Mark Leviste bilang Vice-Gov.
Ayan, tingnan natin kung sino sa kanila ang matira ang matibay.
SPEAKING OF Gov. Vilma, from 300 down to 9, then trim down to 2 finalist. Si Mayor Hagedorn ng Puerto Princesa, palawan ang nakalaban ni Gov. Vilma. Mapalad na siya ang nagwagi as Presidential Lingkod Bayan awardee to be awarded by Pres. Noynoy Aquino this September 19, 2012 sa Malacañang Palace.
My congratulations! You deserved the award. Bonggacious, ‘di ba, mga co-Vilmanian? Say mo?
BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong babaeng ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin dinadalaw ng tatay ang anak sa kanya? Bakit kaya? Hindi pa rin daw kasi sigurado ang pudrakis na sa kanya ‘yun. Nakakaawa naman ang bata, ‘noh? Walang kinilalang tatay.
Nakakawindang naman kasi. Dapat kung ako sa babae, nag-isip-isip muna. Pero sabi naman niya, su-werte daw siya dahil hanggang ngayon nand’yan pa rin siya at hindi nasira ang career niya dahil sa anak niya. Ang masasabi lang niya sa lalaking ‘yun, kung ayaw niya eh, ‘di ‘wag. Hindi naman siya kawalan. Maraming puwedeng ipakilala sa anak ko… at hindi rin daw siya deserving. Taray! Sino siya, or should I say, sino sila?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding