OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Ito na po ang katunayan ko sa sinulat ko last Wednesday sa kolum na si Kuya Germs, German Moreno, ay may balak ngang tumakbo bilang mayor ng Quezon City.
Ayon sa katoto kong si Chito Alcid, “Nang huli kong makausap si German Moreno sa GMA-7, napag-usapan namin ang plano niyang pagtakbo bilang mayor ng Quezon City. Yes, he is considering to enter politics. Kung si Herbert Bautista nga, naging mayor ng QC, at ang talent niyang si Isko Moreno ay naging vice-mayor ng Maynila, hindi naman questionable kung maghangad din siyang manilbihan sa kanyang lugar.”
Malinis ang record ni Kuya Germs. Marami nang dekada niyang napatunayan ang kanyang serbisyo sa entertainment industry. May leadership si Kuya Germs, at hindi na dapat pang isa-isahin. Napakarami niyang achievements at natulungang sumikat na mga artista hanggang ngayon. At gusto siya ng madla. Mabibigat na pangalan ang magiging campaign supporters.
Tiyak na mababago ang buhay ni Kuya Germs sakaling tumakbo nga siyang mayor sa QC. Mas marami siyang mabibigat na responsibilidad.
Marami ang nagsasabi na mas kailangan siya sa showbiz, at malapit na siya sa edad na 70 at kailangan ang relaxation, hindi tension at stress. Marami ang nagmamahal kay Kuya Germs, dahil nakita namin ang sinseridad niya bilang tao.
1970 pa lang, kilala ko na si Kuya Germs sa Sampaguita Pictures. Mabi-bilang siya sa mga respetadong haligi ng industriya gaya nina Gloria Romero, Susan Roces at Pilita Corales – itong tatlong mga adorable, mga disente at maaayos ang personalidad. Hindi sila mahilig sa gulo gaya ni Kuya Germs. Para silang magkakapatid, may respeto sa bawat isa.
Kaya ‘pag itinuloy ni Kuya Germs ang dikta ng kanyang supporters na tumakbo bilang mayor ng QC, sobrang tibay ng kanyang katayuan. Sure winner, ‘ika nga. Baka si Mayor Herbert Bautista ay makiusap sa kanya na huwag na siyang tumakbo.
Nagtanim na si Kuya Germs ng pagtulong sa kapwa sapul nang pumasok siya sa showbiz. Hindi siya naghangad ng sukli o kabayaran sa kanyang work, gaya ng Walk of Fame, Mowellfund, Film Academy of the Philippines, KAPP o Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino, atbp. He pioneered entertainment shows and build-up new faces. Siya ay nagkaroon ng hindi mabilang na shows like “Germside” (1976-1980), “Germspesyal” (1980-1986),” “GMA Supershow” (1980-1987), “That’s Entertainment” (1986-1996), at ang “Walang Tulugan With The Master showman” (1987 up to the present) na tuloy pa rin ang pagtuklas ng mga baguahan like Jake Vargas.
Matapos magantimpalaan ang kanyang pagganap sa pelikulang Paupahan, isa namang mapaghamong papel, lead role, ang natapos ni Kuya Germs, sa Talo, Tabla, Panalo, kasama sina Eddie Garcia at Boots Anson-Roa, directed by Neil Tan.
Tungkol sa panibagong hakbang tungo sa pulitika, abangan na lang po natin. Sa akin naman, ang karanasang hindi ko makakalimutan kay Kuya Germs ay nang minsang magkasabay kaming nanood ng isang show sa Zirkoh sa Timog at sabay kaming lumabas at nu’ng binati ko siya, nagalit sa akin. Kasi marami raw ang nakararating sa kanya na mga tsismis na sinasabi ko sa program ko na ipinararating sa kanya.
Naaalala ko kasi, nu’ng may kasama pa akong alalay sa radio at maraming ipinararating sa akin, kaya nagtatanong lang naman ako kung totoo. At ang mga nagpaparating naman kay Kuya Germs ay eksaherada, kaya siyempre, kahit sino naman, mag-iinit ang ulo.
Pero ito lang ang masasabi ko kay Kuya Germs. Kung mayroon mang dapat na irespeto sa industry, isa na si Kuya Germs, pangalawa kay Dolphy, ‘di ba? Kung matutuloy man ang balak niya, hangad ko ang pagbabago sa QC. Kasi napapalibutan na ng kaplastikan ang buong Quezon City.
BLIND ITEM: Hahaha! Natawa agad ako, wala pa nga. Sino siya? Ano kaya ang idadahilan ng aktor na ito kung bakit walang masyadong nali-link sa kanyang GF?
Naku! Ang chikka sa atin ng kaparazzi girl natin, dyutay ever daw itong aktor na ito kaya hindi nasasarapan sa kanya ang girl. Nakakaloka, ‘te!
‘Yun ba ang dahilan kaya ‘pag naghihiwalay sila ng mga ex-dyowa niya eh, hindi siya hinahabol-habol? Kaloka naman talaga, ‘te!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding