MUKHANG SUNUD-SUNOD ang kontro-bersiyang kinakaharap ng magkakapatid na Magalona, dahil after ma-involve ni Frank Magalona sa pambubugbog diumano kay Albie Casiño, ang nakababatang kapatid naman nitong si Elmo Magalona ang natsitsismis na nabastos ang nag-iisang King of Late Night Show at ang Master Showman na si Kuya Germs Moreno.
Nagsimula sa isang blind item na nagsasabing isang maga-ling na host ang binastos ng isang young star, dahil hindi raw pinaunlakan ni young actor ang pakiusap ng nasabing host na ma-interview ito, bagkus ay nag-litanya ng, “Naipaalam na ba sa mommy ko ‘yan!” sabay talikod sa batikan at respetadong host.
Kaya naman sa thanksgiving party na ibinigay ni Kuya Germs sa mga PMPC, ENPRESS at ilang malalapit na kaibigan ni Kuya Germs na ginanap sa Vera Perez Compound ay pinatotohanan ni Kuya Germs ang nasabing balita. Totoo raw na hindi siya pinaunlakan ni Elmo ng interview na ilalabas nito sa Walang Tulugan.
Ganu’n pa man, hindi raw ito sineryoso ni Kuya Germs na naglitanyang, “Iba na talaga ang generation ngayon, malayung-malayo sa mga artista noon! Ganu’n talaga, wala akong magagawa!”
Ayaw na lang daw palakihin pa ni Kuya Germs ang nasabing issue, dahil may rason daw si-guro si Elmo kaya nito nasabing ipaaalam muna sa kanyang mommy ang tungkol sa interview rito, kaya naman daw hindi sumama ang loob nito sa Kapuso young actor.
PINAG-USAPAN SA apat na sulok ng bansa ang katatapos na Ultimate Battle of the Champ-ions ng Talentadong Pinoy dahil sa bonggang-bonggang opening at production numbers nito na ginanap sa Quezon City Memorial Circle noong Linggo.
Dagdag pa ang pagdagsa ng mga nagniningning na mga bituin sa liga nina Ruffa Gutierrez, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at ang nag-iisang Superstar at Reyna ng TV5 na si Ms. Nora Aunor.
Isang milyong piso, brand new car at ang pagkakataon na maging representative ng ating bansa sa World Cham- pionship of the Performing Arts sa Hollywood ang mga premyo na natanggap ni Daniel Darwin aka Astroboy.
100% SUPPORTA ang ibinibigay ng National Press Club (NPC) sa pagsasampa ng kaso ni Mon Tulfo laban sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Kaugnay sa nangya-ring bugbugan between Raymart at Mon last Sunday sa NAIA 3 na ikinagulat ng buong Pilipinas.
Ayon nga sa National Press Club President Jerry Yap, maglalabas ng statement ang kanilang organisasyon tungkol sa pambubugbog kay Tulfo ng grupo nina Claudine at Raymart. Nanawagan din si Yap sa entertainment press na i-boycott ang mag-asawa dahil sa pananakit nila kay Tulfo.
FROM MAY 7, na siyang original date ng pilot telecast ng Sharon, Kasama Mo, Kapatid, ang Monday-Friday talkshow ni Sharon Cuneta sa TV5, nagkaroon ito ng pagbabago. Instead of May 7, sa May 14 na ang airing ng nasabing show.
Sa mismong presscon ng kanyang programa hindi muna sinabi ni Sharon ang timeslot ng kanyang show, para na rin hindi ito mapaghandaan ng mga rival show. Pero sa mga TV plug ng Kapatid Network, naka-announce na 4:30 pm ang timeslot ng nabanggit na show. Kaya naman kahit anong gawing sikreto ni Sharon, alam na alam na ito ng buong Pilipinas.
Surprise daw sa lahat sa kung alin sa more than 20 episodes na nai-tape na nila for the show ang una nilang ie-air, dahil halos lahat ng episodes na na-tape na nila ay kaabang-abang at mga bigating artista ang mga magi-ging panauhin nito.
John’s Point
by John Fontanilla