NAGING VERY controversial ,pinag uusapan at binabatikos ang binigyan ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na 62nd FAMAS Awards Night, kung saan limang kabataan ang napiling mabigyan ng nasabing parangal at ito ay sina Hiro Magalona Peralta, Ken Chan at Janine Guttierez sa bakuran ng GMA 7; Julia Barretto at Jerome Ponce sa bakuran ng ABS-CBN; at nag iisa naman si James Reid sa bakuran ng Viva Entertainment.
Tsika nga ni Kuya Germs, “Lagi na lang may against at hindi gusto ‘yung line up na nabibigayn ng German Moreno Youth Achievement Award. Wala nang bago d’yan. Hahaha!”
“Siguro lang, hindi pa nabibigyan ‘yung paborito nilang artista or may gusto silang mapasama kaya kung anu-ano ang sinasabi nila.
“Bakit hindi na lang nila hintayin na baka next year ‘yung paborito naman nilang artists ‘yung mabibigyan ng parangal. Kanya-kanyang panahon lang ‘yan. Hindi naman puwedeng sabay-sabay na bigyan sila ng award. Sobrang dami nila.”
Dagdag pa ni Kuya Germs, “Hindi lang naman ako ang pumipili kung sino ang bibigyan ng German Moreno Youth Acheivement Award. Bale tumatawag, ako like sa ABS-CBN, tumatawag ako sa kanila kung sino ang puwede nilang ibigay tapos ‘pag nagbigay na sila pinapa-research ko kung ano na ‘yung nagawa at kung ano na ‘yung achievements at kung may potential ba na tumagal sa showbiz.
“Lahat naman ng napapasama sa German Moreno Youth Achievement Award ‘yung mga kabataang artista na may mga nagawa na at may napatunayan na kahit papa’no at may patutunayan pa sa pagpapatuloy ng career nila.
“Hindi ‘yan ‘yung sinasabi ng iba na kasi paborito ni Kuya Germs kaya kasama, walang ganu’n! Sa dami ng malalapit sa aking artista eh, ‘di lahat nilagay ko na, kaya lang tinitingnan din namin ‘yung mga nagawa na ng artist.
“Kaya nga hindi lang mga taga-GMA 7 ‘yung binibigyan ko ng award kasi mas marami ang mag-iisip na baka bias ako. Kaya naman pati ibang network, kinakausap ko para mabigyan din ng German Moreno Youth Achievement Award,” pagtatapos ni Kuya Germs.
John’s Point
by John Fontanilla