BLIND ITEM: Recent media visit ito somewhere in Rizal where only a handful got invited to the last shooting day of a filmfest entry. Bale ikalawang pagsasanib-puwersa na ‘yon ng dalawang higanteng aktor, na may kani-kanya ring production outfit na namuhunan sa napakalaking proyektong ‘yon.
A list of invited TV crew was initially prepared, ang naatasang mangasiwa sa media visit na ‘yon ay isang taong malapit sa isa sa mga co-producer who called the shots as to how much should be fairly given para sa TV crew na dumayo pa sa pagkalayu-layong bahagi ng Rizal.
Pero hindi nasunod ang ibinadyet na takehome chorva for the TV crew, dinagdagan pa kasi ito ng isa sa mga bida ng pelikula. Hindi pa nakuntento, one of the two major stars gave an extra chorva, higher than the earmarked budget.
Kung sa bagay, kilala naman kasing “galit sa pera” ang isa sa dalawang bidang ‘yon ng pelikula, as opposed to his co-bida who’s known for being close-fisted gayong kabi-kabila naman ang kanyang mga raket sa commercials from detergent powder to cash-padala to canned sardines.
Kung may de-latang belekoy nga lang na produkto, puwede siyang maging endorser nito sa kakunatan!
TRUE TO the British blood that runs through her veins, pantasya ng top commercial model na si Georgina Wilson na masaksihan ng buong mundo ang pag-iisang-dibdib nila ni Borgy Manotoc — her boyfriend of three years — the royal way in the tradition of Prince William and Kate Middleton.
Kung sa bagay, mangangarap din lang ang 2013 Ginebra San Miguel Calendar Girl, why not dream big? Three years of carrying on a supposedly serious relationship with the son of a famous political luminary (Ilocos Norte Governor Imee Marcos, herself a product of a British school) can lead to marriage, and a royal one at that.
Mas napagtanto tuloy ang pagiging rightful endorser ni Georgina ng GSMI sa taong 2013 because of her universal appeal, in the same way that the product which has continuously evolved and diversified has broadened itself, market-wise.
MAY PAGKAOKRAYISTA na rin pala si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na tila nahawa sa natural playfulness ng kanyang co-host sa Ang Latest na si Cristy Fermin.
Naging tampulan kasi sa isang recent taped episode ng naturang programa ang pagkakaroon ng lisp ng isa pa nilang kasamahan, ang model-turned-host na si Divine Lee. By definition, lisp is a speech defect characterized by substituting the “th” sound for the sounds “s” and “z,” halimbawa ang salitang “sing” na kapag binigkas ng isang taong may lisp ay nagiging “thing.”
Classic pang-ookray sa Ang Latest ay nang bigkasin ni Divine ang pamagat ng tanyag na Broadway musicale na “Miss Saigon,” that sounded “Miss Thaigon.” Lucy was quick on the uptake, paano na raw kung kakantahin ni Divine ang mga awitin doon, eh, ‘di lahat ng may mga letrang “s” sa liriko ay “th” ang tunog?
Then came our casual tsikahan with Divine. Aniya, bulol na raw pala siya as a kid, ito ‘yung edad na malinaw na dapat magsalita ang isang growing-up child. Divine had to be operated on, kung saan kinailangang gupitin o laslasin ang kanyang “tilaukan” (ito ‘yung bahagi sa ilalim ng ating dila).
“Ang tawag ng mga expert dito sa case ko, ‘lazy tongue’. I need to practice my speech more often,” sey ni Divine who’s under tutorship to correct the defect.
‘Yung lagay na ‘yon, partida pa, ha? May lips na’t lahat, pero matabil pa rin ang bibig.
Samantala, Divine gets nominated for Best New TV Female Personality in the forthcoming Star Awards for TV. Napaiyak daw siya nang sabihang kasama siya sa talaan ng mga nominado alongside Isabelle Daza, Jasmine Curtis and Janine Gutierrez.
Cliché as it may sound, masaya na raw siya kahit nominasyon lang ang iginawad sa kanya, proof that her efforts did not go unnoticed when she co-hosted a TV5 reality show with Paulo Bediones.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III