NAGPA-PRESSCON ANG NCAA 87th Season na ginawa sa ABS-CBN compound. This coming Saturday sa Araneta Coliseum ang opening ng naturang liga. Si ex-UST coach Aric del Rosario ang siyang magiging commissioner ng liga.
Sa nasabing presscon, dumalo ang mga coaches ng iba’t ibang colleges, tulad ng defending champion na San Beda College ni coach Frankie Lim, ang San Sebastian College na dating head coach si Ato Agustin at humalili sa kanya si coach Turo Valenzona.
Si Valenzona ang original coach ng Baste noon. Then Mapua Cardinals, coach ang ex-PBA player na si Chito Victolero at assistant si Randy Alcantara na ang hawak naman ay ang junior. Habang si Leo Isaac ang head coach ng Arellano University, Si coach Louie Alas naman sa Letran Knights. Ayaw namang magpaawat ang College of St. Benilde, kung saan si Richard del Rosario ang main man ng team, pinalitan naman ni Gerry Esplana si coach Nomar Isla ng Emilio Aguinaldo College D’ Generals. Jose Rizal University naman ang hawak ni Vergel Meneses, at ang host ng taon, walang iba kundi ang Perpetual College. Controversial sila kasi iniwanan na sila ng kanilang coach na si Boris Aldeguer at pansamantalang humalili sa kanya si Dimuel Gichan. Good luck sa lahat ng team!
Kapansin-pansin na pawang mga ex-PBA players ang nangunguna ngayon sa NCAA, mga de kalibreng manlalaro ng professional league.
How true na ang mahuhusay na coach ay nakatutok sa point guard? Kaya nga hindi kataka-taka kung bakit napa-champion ni Ato Agustin ang San Sebastian College noong nakaraang taon. At sa kasalukuyan ay nabigyan ng magandang papel sa kampo ng Petron Blaze Booster sa PBA. First time namang humawak ni Gerry Esplana ng college, dito masusubukan ang husay sa pagko-coach ni Esplana. Si Leo Isaac ay dating Brgy. Ginebra, si Frankie Lim dating naglaro sa Alaska Aces, si Chito Victolero ay sa Sta. Lucia Realtors, si Vergel Meneses ay sa Swift, at si Richard del Rosario ay sa Purefoods.
SPEAKING OF GERRY Esplana, grabe parang kailan lang talaga, dalaga na ang anak niya sa ex-beauty queen na si Ms. Jennifer Pingree. ‘Eto ngayon ang dalaga ni Esplana na siyang muse ng EAC. Sa pagtayo nga ng 18 years old na si Alyssa Jeremee Pingree Esplana, para silang pinagbiyak na bunga. Puwedeng-puwede siyang mag-artista o sumunod sa yapak ng kanyang ina.
Anyway, may intriga kay Esplana. May katotohanan ba ang kumakalat na balita sa apat na sulok ng EAC na kesyo sinulot nga ba ni Esplana sa long time head coach at athletic sports director ang position kay Nomar Isla, kaya napasakamay ang pagiging head coach ng team? Kinuha kasi ni Isla si Gerry bilang team consultant. Hanggang sa magising na lang si coach Nomar na hindi na niya hawak ang EAC. Si coach Isla ngayon ay lumipad at dumapo sa Malaysia para pangunahan ang isang team du’n.
In fairness naman kay Gerry Esplana, na matagal na naming kilala, hindi siya manunulot. May kakilala ako na totally manunulot. Marahil binigyan lang ng break ng may-ari si Esplana at posibleng pahiyang, kasi matagal nang hindi nagtsa-champion ang EAC. Kung tutuusin huling champion ng naturang kolehiyo ay noong naglalaro pa ang magkapatid na Yancy at Ranidel de Ocampo. Ilang taon na sina De Ocampo sa PBA, nakailang team na ang magkapatid sa paglipat-lipat ng koponan sa PBA.
SAMANTALA, UMALIS NA kahapon ang grupo ng PBA para sa out of the country game na gagawin sa Dubai. Magsisipaglaro ang team ng Talk N Text, Brgy. Ginebra, at ang B-Meg Llamados sa liga roon sa July 1 at 2. Maraming nagtatanong kung telecast daw ito sa PBA sa Friday. Posibleng sa Sabado na July 2 natin ‘yan mapapanood. Good luck!!
COMMENT: SA LAHAT na nais mag-comment sa aking column, mag-e-mail lang kayo sa [email protected]. At para lalo n’yo pang magustuhan ang aming column, magbibigay kami ng mga pictures ng inyong idolo o kaya’y jersey o bola na may pirma ng paborito ninyong players. Sumulat lamang kayo rito sa Pinoy Parazzi c/o Ms. Malou Aquino, Sportsbizz, at ang address namin sa opis. Maglakip kayo ng logo ng Pinoy Parazzi, ok. Sa loob ng isang buwan, pipili kami ng isang masuwerteng bibigyan ng jersey o bola.
Malou Aquino
Pinoy Parazzi