PINATUNAYAN NI LAKAS-KAMPI-CMD standard bearer Gibo Teodoro na malaki ang kanyang laban sa darating na halalan sa Mayo 10. Ito ay matapos na iwan ni Gibo nang milya-milya ang mga kalaban sa pagka-pangulo sa online mock elections na isinagawa ng Manila Bulletin, kung saan nakakuha ng napakalaking 47% sa kabuuang botong naitala.
Bilang sagot sa tanong na “Who will you vote as the next Philippine President in the May 10 elections next month?” na naka-post sa website na mb.com.ph website ng Manila Bulletin, 27,521 o 47% ang pumili kay Gibo. Malayong pumangalawa naman si Liberal Party bet Noynoy Aquino na nakakuha lamang ng 15,499 o 27% ng mga bata, na sinundan sa pangatlong puwesto ni dating Pangulong Joseph Estrada na mayroong 5,543 or 10% na boto.
Pang-apat naman si Senador Richard Gordon na mayroong 4,665 o 8% ng mga boto, habang Panglima si Senador Manny Villar sa botong 2,452 o 4%. Nakakuha naman ng 3% o 1,918 na boto si Eddie Villanueva na pumang-anim sa nasabing mock elections.
Sa kaparehong mock elections na isinagawa naman ng Radio Mindanao Network (RMN) sa buwan ng Marso, nanguna sa isang lungsod si Gibo, habang nagsasalitan naman sa No. 2 at No. 3 sa ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa tanong na kung sino ang pipiliin nilang susunod na Pangulo kung sakaling gagawin ang eleksiyon bukas, binigyan ng mga residente ng Sorsogon City si Gibo ng 50 percent na boto sa survey na isinagawa noong March 9-11, 25.8% kay Villar, 19.2% kay Aquino, at 3.3% kay Estrada.
Sa parehong survey na ginawa noong Marso 6-7 sa Vigan City, pumangalawa si Gibo kay Villar, kasunod niya sina Aquino, John Carlos Delos Reyes, Villanueva, at Estrada.
Pumangatlo si Gibo sa iba pang survey ng RMN surveys (kina Aquino at Villar) sa Pagadian City (Marso 4-7); Cauayan, Isabela (Marso 2-6); Baguio City (Marso 4-5); Laoag City (Marso 5-6); Tuguegarao City (Marso 15-16); Ormoc City (Marso 6-7); San Carlos City (Marso 5-6); Dumaguete City (Marso 6-7); and Metro Bacolod (Marso 5-6).
Pinoy Parazzi News Service