Inamin ni Gigo na bagama’t ilang buwan na ring wala ang kanyang ina ay nagpaparamdam pa rin daw ito hanggang ngayon sa kanya.
May mga binibilin din daw sa kanya ang yumaong ina.
“Minsan, nagbibilin. Like, nag-aano sa sarili, let go of things na mabigat sa puso. Parang pinagagaan niya ang pakiramdam ko, mga ganu’n,” dagdag pa niya.
“Talagang life-altering na po, eh. Even I cannot quite comprehend what happened. But hindi po ibig sabihin na puwede akong huminto o tumigil. Kailangan po tayong mag-move on and kahit paano, step by step po,” lahad pa niya.
“Ngayon po, hindi po natin masasabi na nakapag-move on na ako completely, pero I’m doing my best, lalo na po kaming magkapatid. Kasi siyempre, hindi po kami…
“Wala pong tutulong sa amin kundi yung sarili namin. Step by step naman po, and we have a very good support system. So, we’re thankful for the big love and support from those who look out for us.
“So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na,” tuluy-tuloy niyang sabi.
“To be honest po before, medyo… she didn’t want me to enter showbiz. Yun po ang sa umpisa. Pero nu’ng talagang pinakiusapan ko po siya, pinayagan po niya akong mag-acting, here and there po. So, naging supportive na rin po siya. I think she will just be happy na I’m doing what I want.
“Kasi, nanggaling po siya sa showbiz. For her po, yung experience niya, while it was mostly good, there were parts na she also didn’t like. Siyempre, alam naman po natin iyan, nothing is perfect. So, she wanted to protect me from that,” paliwanag ni Gigo.
Ang Moonlight Butterfly ay mula sa produksyon nina Len Carillo at Melanie Uy ng 3:16 Media Networks.