MAGANDA AT very touching ang musical play na Sandosenang Sapatos na napanood namin nu’ng Sabado ng hapon sa Huseng Batute Theater sa Cultural Center of the Philippines, kung saan parte ang anak ni Gina Pareño na si Raquel Pareño bilang diwata ng mga sapatos na nagpakita ng dunong niya sa pag-awit.
Ilang beses pa lang nag-take ng two-hour voice lessons kada session sa isang mahusay na voice coach mula pa sa San Pedro, Laguna si Raquel na sinuportahan at sinamahan pa ng kanyang dakilang ina.
Napakahusay ring umarte at umawit ng batang stage actress na bida sa musical play bilang si Susie.
Nu’ng Sabado nga ay nanood din ang magaling na aktres na si Gina kasama ang kanilang buong pamilya, including her son, Michael, at ang 84-year-old mom nito, para magbigay suporta kay Raquel bago ito dumiretso sa kanyang biglaang taping for Juan dela Cruz sa Kamuning, Quezon City at 6pm.
Matapos ang palabas ay pinagkaguluhan ang mag-ina ng ibang mga nanood para magpalitrato sa kanilang dalawa.
Bigla namang nagdesisyon ang produksyon ng play na magkaroon pa ng isang palabas nu’ng ala-sais ng gabi nu’ng araw na ‘yon.
PARA SA lahat ng mga magulang, pakinabangan ang Kumon Philippines’ seminar on “Good Enough Parenting” sa pamamagitan ng movie therapy (How To Meet The Core Emotional Needs And Provide Parenting That Is “Good Enough” To Prevent “Life Traps” From Developing In Their Children) na gaganapin sa SM City Iloilo on August 3, 2013, organized by Susan Montealegre’s team at Alegre Events Management.
Franz 2 U
by Francis Simeon