BANNED NA pala si Gina Pareno sa TV5. Pinaasa lang kasi niya ang production ng new tawaserye ni Sharon Cuneta.
Nagpasabi si Gina na tatapusin niya ang Honesto kaya pinagbigyan siya. Na-extend pa ng limang taping ang role niya sa soap, then, nagkasakit siya pero hinintay pa rin siya.
Nagwakas na ang Honesto sa ere kaya naman pinallow-up siya. Aba, hindi na sumasagot ang hitad. Nalaman na lang ng TV5 staff na nasa sirenaserye na pala siya.
Sumusumpa ang executive ng Singko na hindi na nila kukunin si Gina kahit kailan dahil sa pambabastos nito sa kanila.
KIKO RUSTIA, former Survivor Philippines castaway, is now hosting and producing a new travel show, Dis Is Pinas, a documentary show he is producing together with his siblings Riza and Rachelle Rustia. The show will premiere April 5, 11:30 a.m., GMA News TV.
Sa dami ng travel shows, ipinaliwanag ni Kiko kung paano sila naiba.
“We just don’t go to places para ma-feature lang ang naggagandahang beach nila o kanilang award-winning na hotel. Kung ma-feature namin sila ay bonus na lang po ‘yan kasi siyempre hindi naman puwedeng tanggalin ‘yung travel doon sa ginagawa namin because that’s how we got to where we’re going.”
“Kami kasi we go to places na ang mission namin is to know more about the culture, the history of the place, to find out ‘yung heritage, to preserve what’s left of the history ng lugar na pinupuntahan namin. Sa panahon kasi natin ngayon na ang mundo natin ay pinapaikot ng iPAD, ng cellphone ay nakakalimutan na natin ang mga dating gawi. Ang input is gamitin itong mga bagong teknolohiya na ito para i-preserve ‘yung ating lumang kasaysayan at kultura para at least maging enthusiastic ang bagong henerasyon ngayon na pag-aralan at pangalagaan ang kasaysayan ng ating culture,” paliwanag pa niya.
Gumamit si Kiko ng modern technology sa kanyang show.
“Ang reason kung bakit ako gumagamit ng ganitong teknolohiya is ang mga kabataan kasi techie na, eh. How can you make them interested sa kasaysayan o kultura na luma na, eh, ‘di i-infuse mo ang makabagong bagay na tinuturo mo sa kanila. So I will be using high-tech stuff in discovering our history.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas