SUMASAKIT NA ang ulo ng isang guwapong character actor sa negosyo niyang restaurant. Gusto na niya itong i-give-up, dahil hindi ito masyadong kumikita at natuklasan pa niyang ‘yung iba niyang tauhan ay gumagawa ng anomalya.
“Alam mo, ibebenta ko na kahit palugi na lang. Mabawasan lang talaga ang stress ko. Talagang gano’n, eh.”
At ang sabi naman namin sa kanya na natutunan namin sa buhay, ‘wag siyang magtatayo ng business na itinayo na niya, saka pa lang niya pag-aaralan.
‘Pag nagtayo ng resto, kailangan, marunong kang mamalengke at magluto, dahil kung ipamamahala mo lang ito lahat sa mga tao, malaki ang tendency na lokohin ka.
Galing na kami diyan. Nalugi na kami, nasira pa ang friendship sa kasosyo.
By Ogie Diaz