Narito ang ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Reklamo ko lang po na rito MH del Pilar St. sa Brgy. San Nicolas hanggang sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig ay ginawang parking area ang kalsada ng mga may-ari ng sasakyan na walang garahe. Dalawang lane lang po iyon kaya laging masikip at nahihirapang dumaan ang mga sasakyan. Pakikalampag naman po ang city hall para aksyunan po nila ito.
- Dito po sa Fabella Road going to Brgy. San Jose, Mandaluyong ay maraming naka-double parking kaya halos hindi na madaanan. Nagagalit pa ang mga may-ari ng sasakayan kapag nasagi mo ang sasakyan.
- Reklamo ko lang po iyong mga truck na naka-double parking dito sa may G. De Jesus, Bagong Barrio Caloocan. Nahihirapan po kasing makadaan ang mga sasakyan dahil sa ginagawa nila.
- Pakikalampag naman ang kinauukulan tungkol dito sa may stop light sa Brgy. Elvenda sa San Pedro, Laguna dahil matagal na pong sira. Ang hirap pong dumaan dito dahil sa walang sistema ang trapiko dahil dito. Sana po ay maaksyunan.
- Pakitawag-pansin naman po ang mga kinauukulan tungkol sa pathwalk sa Araullo High School sa may UN Avenue, Manila kasi last March 2015 pa ginagawa ang nasabing pathwalk pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Marami na pong perhuwisyo ang naidudulot sa mga mag-aaral.
- Sumbong ko lang po na rito sa San Roque, Brgy. Pag-asa ay may pagala-galang lalaki na laging may dalang baril. Natatakot na po ang mga residente dito dahil kung minsan ay nagpapaputok pa ito ng baril.
- Concerned citizen po ako rito sa may Guadalupe, Makati City dahil matagal na po naming problema ang mga vendors dito sa gilid ng Edsa-Guadalupe. Wala na pong madaanan ang mga tao dahil sa mga nagtitinda. Kapag nakasagi ka pa ng paninda ay galit pa sa ‘yo ang mga vendors.
- Pakigising naman po ang mga kinauukulan dito sa may tabing ilog sa Marikina malapit sa SM Marikina dahil may nagtatambak na naman ng basura sa ilog. Paano na tayo nito, lulubog na naman kami drto oras na dumating ang tag-ulan.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo