SA WAKAS, bida na sa isang mainstream film si Ryza Cenon!
More than ten years din ang hinintay ng Starstruck Batch 2 Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon bago ito napansin na puwede pala siyang maging bida via the QCinema Film Fest entry na “Ang Manananggal sa 23-B” na pinalabas two years ago at nagkaroon ng nationwide screening last year sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
2017 was Ryza Cenon’s year. Kung sa pelikula ay napansin siya bilang manananggal, sa TV naman ay siya ang naging “most hated villain” bilang Georgia sa Ika-6 na Utos na mahigit isang taon nang pinapalabas. Benta sa viewers ang campy fight scenes nila ni Sunshine Dizon plus Angelika dela Cruz as her back up.
Dahil sa effective portrayal niya bilang Georgia, napansin ito ng Viva Artist Agency at last year din ay pumirma ito ng kontrata sa management team, na ngayon ay aggressive sa pagproduce ng mga pelikula ng mga deserving talents nila.
Ang pelikulang Mr. and Mrs. Cruz ang first team-up nila ng Kapamilya actor na si JC Santos. Kahit galing sila sa magkaibang network, hindi naman ito naging balakid para sila’y magsama sa isang proyekto.
Suwerte ni Ryza dahil sa kanyang first lead mainstream movie ay si Sigrid Andrea Bernardo ng hit movie Kita Kita ang direktor niya. Sa advanced screening kagabi sa UP Diliman ay marami ang nagsasabing tunay ngang ginalingan ng aktres ang pagganap niya bilang Gela Cruz. May highlight scene raw siya dito na talagang maglalagay sa kanya sa ‘star’ status.
Sa isang panayam ay inamin niya na may offer ang ABS-CBN sa kanya. Kung siya ang tatanungin, she would like to stay with GMA-7 dahil dito na rin naman siya nag-umpisa.
Ang balita namin, extended na naman hanggang March 2018 ang Ika-6 na Utos. Kung si Ryza ang tatanungin, mas gusto na niya na matapos ang programa habang ito’y nasa prime pa. Kunsabagay, lahat na ‘ata ng teleserye cliché ay naipasok na nila rito na ang latest ay nabuking si Georgia na nagpapanggap lang palang bulag.
Ryza, congratulations! You’re a true survivor!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club