NOONG unang announcement ni Imelda Papin tungkol sa “Showbiz Village”na gagawin niya sa bandang San Jose del Monte, Bulacan, madami sa mga showbiz reporters ang natuwa dahil magkakaroon na rin sila sa wakas ng pabahay sa murang halaga.
Isa ako sa natuwa. My own house na kahit may kalayuan mula sa Manila ay okey lang. At least, akin. Magiging investment ko ito and that was almost more than 10 years ago.
Sa katunayan, sa “Showbiz Village” na yun, si Kuya Germs (German Moreno) ang kaagapay niya sa proyektong ito na malaki ang tulong sa mga showbiz reporters na pangarap din magkaroon ng sarili nilang bahay.
Fast forward. 2019. Sa isang familiarization tour na isinagawa sa SJDM sa imbitasyon ni Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida Robes to show to the media, napag-alaman namin na waley naman palang project na ganun.
In short, drawing. Walang ganung project for the press.
I remember na isa ako sa pumili pa ng properties (2 lot yata ang plano ko na kunin) na nang-present pa ang forgettable developer sa media ng ibinibenta nilang lupa at a very, very low price na super baba ang monthly ammorization na now ko lang ulit naalala ang naturang na may ganun pala ako dinaluhan na presentation.
Ayon kay Mayor Robes, wala palang ganun. Publicity spin lang pala yun nang magtangka si Imelda na tumakbo sa politika noong panahong yun.
Ang alam ko, ang dating Jukebox Queen ay president yata ngayon ng KAPP.
Sa mga may connect sa singer, pakisabi na hinahanap ko siya. I need to talk to her to get her side of the story. Si Ate Virgie Balatico at Ate Veronica Samio may connect pa rin kaya sila kay Imelda Papin?
Ang akala ko noon na ang SJDM ay bundok at relocation area para sa mga dayo sa Metro Manila na sinasabing mga billegal settlers(squatters) ay bongga na mula umpisahan ni Ate Rida at Kuya Arthur ang nasimulan nila at ipinagpatuloy dahil very progressive na talaga ang SJDM ngayon pa na doon na ang magiging balwarte ng ABS-CBN at magkakaroon na ng MRT line mula sa EDSA-North Ave. sa Kyusi hanggang doon sa mga bundok ng parteng yun ng Bulacan.
Reyted K
By RK Villacorta