NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Reklamo ko lang po rito sa lugar namin sa Bagong Barrio, Caloocan City. Dito po sa Malvar na sakop ng Brgy. 133 at Brgy. 144. Hindi po makaraan ang mga sasakyan dahil sa may naka-park sa magkabilaang side ng kalsada. Hindi man lang po aksyunan ng mga barangay na nakasasakop.
- Sumbong ko lang po na iyong ilalim ng foot bridge sa may Baclaran ay ginawang terminal ng mga sasakyan na biyaheng Cavite. Kaya po hindi mawala-wala ang mga traffic sa lugar na ito.
- Irereklamo ko lang po itong Santolan Elementary School dahil naniningil ng P50.00 sa bawat bata. Para raw ito sa proyekto ng PTA.
- Sumbong ko lang itong kalsada namin sa Olivete, Bongabon, Nueva Ecija dahil napupulitika kami. Sinimento po ang buong kalsada ng barangay maliban lamang sa purok namin. Ang dahilan po nila ay sakop po ito ng ibang bayan gayung 99% ng naninirahan dito ay sa bayan ng Bongabon bumoboto. Napakaalikabok po at napakaputik ng kalsada namin. Patulong naman po.
- Isusumbong namin sa inyo itong guro namin dito sa Grade 6 sa Malingon Elementary School dito sa Valencia City, Bukidnon dahil pinagbabayad kasi kami ng P500.00 bilang graduation fee. Masyadong mahal po. Nalaman namin sa DepEd na wala naman pong bayad dapat sa graduation.
- Dito po sa Brgy. Patimbao sa Sta. Cruz, Laguna ay naniningil ng P50.00 ang health center kada turok ng bakuna para sa baby. Hindi po ba dapat ay libre ang sa health center?
- Reklamo ko lang sana rito sa lugar namin dahil sa sunud-sunod na nangyayaring kotongan ng mga traffic enforcer sa mga motorista. Dito po sa Sangandaan, Caloocan. Sana po ay masolusyunan po.
- Reklamo ko lang po sa inyo ang Paete Central School dahil sa paniningil nila ng pambili raw ng transformer at water dispenser.
- Baka po puwede n’yo kaming matulungan dahil sa sobrang traffic sa Marcos Highway, Cainta sa may tapat ng LRT ay nagiging parking lot. May mga traffic enforcer naman po pero hindi sinisita kasi may mga baryang inaabot ang driver. Kaya pagdating ng rush hours ay grabeng traffic.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo