UMUWI NA ang Comedy King. Narating na ang dulo ng kanyang paglalakbay. Bayaan ninyong ibabahagi ko ang ilang ginto ng kanyang alaala.
*On running for public office. “Madaling tumakbo. Eh, paano kung manalo!”
*I was circumcised by a barber at the bathroom under my house. When I saw blood I swallowed the guava leaves I was chewing which was used to cover the wound.
*My greatest fear? No, it’s not death because it’s inevitable and will happen to everyone sooner or later. But yes, I fear God. I love God.
*Face to face with God, what will I tell Him? Accept me, dear God.
*I don’t need Viagra. Zsa-Zsa is my Viagra.
*What part of Zsa-Zsa’s body do I love most? Her lips, kissable lips.
*What makes me laugh? The antics of children really amuse me. Natutuwa ako sa kanila.
*What makes me cry? When something happens to somebody close to me; when somebody close to me has a problem.
*Do I have my regrets? None. I may not be a multi-millionaire. But I have many friends.
*I fell in love with Lotis Key. I almost married her. Ang mga babae ko, kalimitan, nagsasabay-sabay.
*My happiest moment? When my son Vandolph woke up from a coma.
*My saddest moment? When my mother died, age 82, in 1985.
*The tsismis is that I had a relationship with all my leading ladies. ‘Di naman lahat. Iba, ‘di natuhog.
*Do I play favorites with all my children. ‘Di totoo. Pantay-pantay ang tingin ko sa kanila.
*What part of my body is vulnerable? My lungs. Asthmatic ako since birth.
*Zsa-Zsa Padilla is the last woman in my life.
(Note: Excerpts from Ricky Lo’s Phil. Star column)
SAMUT-SAMOT
PUMANAW NA binata si Dolphy, 83. Sa anim niyang naging kasintahan, wala siyang pinakasalan. Muntik na si Zsa-Zsa. Subalit ‘di natin alam ang nangyari. 18 lahat-lahat ang naging anak niya. Nu’ng 2010, sinabi niya sa TV interview kay Korina Sanchez, inatado na niya sa lahat ng anak ang kanyang ari-arian. Para huwag silang mag-away pagpanaw ko. Modelong ama si Dolphy. Sa lahat niyang minahal, palagay ko’y si Zsa-Zsa ang pinaka. Paulit-ulit niyang sinasabi ito hanggang sa huling hininga.
DOLPHY, FERNANDO Poe, Jr. at Erap Estrada. Tatlong haligi ng pelikulang Tagalog. Naiwan na lang si Erap. Sa 78 edad, malakas at malusog pa. Payo lang natin, mag-moderate siya sa ibang bisyo kagaya ng paninigarilyo at pagkain ng maraming cholesterol. Kagaya ni FPJ, magkaibigan silang karnal ni Dolphy. Naintindihan ni Erap ang pagsuporta ni Dolphy kay Manny Villar nu’ng 2010 elections. Walang masamang tinapay sa kanila.
NAPAKAHINA AT mabagal na umaksyon si Pangulong P-Noy. Kung gugustuhin, kaya naman niyang i-fast track ang National Artist award kay Dolphy. He missed the chance to be overwhelmingly lauded by the people. Kung sinu-sino ang nabigyan ng award. Bakit ‘di si Dolphy? Siya ay national treasure. Sa anim na dekada, he touched lives of millions. He symbolizes the hopes, fears and dreams of the Filipino common man. Siya ay truly irreplaceable.
SABAGAY, MASYADO nang nabababoy ang award. Masyadong na-politicized nu’ng panahon ni dating Pangulong GMA. Perhaps, it’s just as well. Dolphy is bigger and larger than the award.
WALANG PUKNAT kong sinubaybayan nu’ng 1960s pataas ang “Buhay Artista” at “John En Marsha”, dalawang TV opus ni Dolphy. Buong sambayanan ay tumututok dito. May mga leksyon, bukod sa katatawanan ang dalawang TV shows. Bigyan din natin ng kredito ang nasirang Ading Fernando, scriptwriter.
BIBETH ORTEZA ang official biographer ni Dolphy. Unang lumabas ang libro nu’ng 2008 ngunit walang masyadong pumansin. Siguro ngayon, magiging bestseller na ito. Nakakita ako ng isang kopya kay dating Pangulong Erap. Kaisa-isa lang daw kaya ayaw niyang ipahiram. Dalawang bookstores na ang pinuntahan ko subalit out-of-stock. Kaugnay nito, ang biography ni Erap ay sinusulat na rin ni noted biographer Krip Yuson. ‘Di matapus-tapos, kasi maselan si Erap sa mga detalye. Bukod dito, tatakbo pa siyang mayor at panibagong kabanata ito. Abangan.
NAPAKA-PROFESSIONAL NI Eric Quizon sa pakikitungo sa media at fans ng kanyang ama. Mahinahon, malambing at magalang. Malayo ang maaabot ng batang ito bilang actor-director. Kahit ‘di nakuha ang lahat ng talento ng ama, nagniningning ang kanyang sariling katangian. Pinakamalungkot sa mga anak ay si Vandolph. Pinakamalapit siya sa ama.
NAGMISTULANG BINASANG kangkong ang Channels 7 at 5 laban sa Channel 2 coverage ng pagpanaw ng Comedy King. Nu’ng Channel 2 tribute kay Dolphy nu’ng July 11, nilangaw ang night shows ng dalawang istasyon. Sa mabilisang panahon, naihanda ang tribute. Nakaaantig-puso, lalo na ang awit ni Vina Morales, “Wind Beneath My Wings”. Ang responde ni Zsa-Zsa at Eric ang highlights.
‘DI NA tayo makapagdadagdag pa sa mga papuri at pagmamahal na ibinuhos ng mga Pinoy sa comedian. Ang kanyang pagyao ay kumurot sa puso at kaluluwa ng milyun-milyong Pilipino. Maaari, isa pang siglo bago may umusbong pang nilikhang katulad ni Dolphy. O maaaring wala na. Tunay na siya ay isang national treasure na dapat nating idambana habang ang panahon ay panahon.
PAGKATAPOS NG napakaraming tributes, parangal at papuri, ano na ang suma total ng lahat sa naging buhay ni Dolphy? Ano ang sukatan ng kanyang buhay para makamit niya ang gantimpala ng walang hanggan? Nabuhay siya ‘di lang sa sarili o sariling kapakanan. Nagpaligaya siya ng tao sa pamamagitan ng katangiang ipinagkaloob sa kanya ng Banal na Lumikha.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez